Kinakailangang tumanggap at mangolekta ang WhatsApp ng ilang impormasyon para patakbuhin, ibigay, mapahusay, maunawaan, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang pag-install, pag-access, at paggamit mo sa aming Mga Serbisyo.
Ang mga uri ng impormasyong tatanggapin at kokolektahin namin ay nakadepende sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo. Nangangailangan kami ng ilang partikular na impormasyon para maihatid ang aming Mga Serbisyo, at kung wala ang mga ito, hindi namin maibibigay sa iyo ang Mga Serbisyo. Kasama sa mga impormasyong kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo, impormasyong awtomatikong kinokolekta, at impormasyon ng third-party.
Kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa mga impormasyong kinokolekta ng WhatsApp, mangyaring mag-click
dito.