
Bilang mga miyembro ng mga komunidad na pinaglilingkuran mo, maaaring maging mas mahirap mapamahalaan ang iyong negosyo kaysa sa karaniwan sa panahong ito ng labis na kawalang katiyakan at pag-iisa. Makipag-ugnayan sa iyong mga customer sa WhatsApp—ang parehogn tool na ginagamit nila para manatiling malapit sa mga kaibigan at pamilya.
Gamitin ang WhatsApp nang may responsibilidad habang kumokonekta sa mga customer mo. Makipag-ugnayan lang sa mga user na kilala mo at sa mga taong gustong makatanggap ng mga mensahe galing sa 'yo, hilingin sa mga customer na i-save ang phone number mo sa kanilang address book, at iwasang magpadala ng mga automatikong promotional na mensahe sa mga group. Ang hindi pagsunod sa pinakamainam na mga kasanayang ito ay posibleng magresulta sa mga reklamo galing sa mga user at sa pag-ban ng account.
Para pinakamabuting mapamahalaan ang maraming tanong, mag-feature ng nakakatulong na impormasyon sa iyong business profile at i-share sa catalog ang mga detalye tungkol sa iyong mga serbisyo, inirerekomenda namin ang paggamit ng WhatsApp Business app, na mada-download nang libre. Mag-click dito para sa step-by-step guide sa paggamit ng WhatsApp Business app. Kung kailangan mong ilipat ang account mo mula sa WhatsApp Messenger papunta sa WhatsApp Business app, mag-click dito.
I-download para sa telepono mo
Gumawa ng short link na magagamit ng mga costumer para makapag-private chat sa iyo sa WhatsApp. I-share ang link sa pamamagitan ng email, ng iyong website, Facebook page, o ng anumang iba pang non-public na channel.
Tiyaking alam ng iyong mga customer ang anumang mga pagbabago sa oras ng iyong negosyo. Gamitin ang business profile mo para ipakita ang mga araw at oras na bukas ang iyong negosyo.
I-share sa iyong mga customer kung ano ang available nang real-time. Gamitin ang mga group para kumonekta sa iyong mga top customer at i-update ang iyong catalog para madaling makita ng mga customer kung alin ang may stock.
Gumamit ng encrypted na video at mga voice call para kumonekta sa iyong mga customer at makapagbigay ng parehong serbisyo na nakasanayan nilang makuha nang personal.
Dahil mabagal ang traffic ng mga pumupunta at bumibisita sa tindahan, maaaring madagdagan ang mga pag-pick up at pagde-deliver sa tindahan. I-on ang feature na live na lokasyon sa WhatsApp kapag malapit ka na sa isang delivery address. Ibinabahagi ng feature na ito ang iyong lokasyon sa mga customer at tinitiyak ang mabilis at simpleng pagpapalitan.
Nasanay ka ba na natutuwa ang mga customer tuwing pupunta sila sa iyong tindahan? Bigyan sila ng virtual tour na may status update.
Gamitin ang mga group at mga group video call para makipag-collaborate nang malayuan.
Kung mayroon kang anumang tanong na kaugnay ng WhatsApp Coronavirus Information Hub, makipag-ugnayan sa amin.