Paano ka matutulungan ng WhatsApp na manatiling konektado sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic
Mga Tagapagturo
Ikaw man ay nagtuturo sa isang paaralan o unibersidad, i-consider ang pakikipag-ugnayan sa iyong mga estudyante sa WhatsApp kung naantala ang eskuwela.*
Gamitin ang WhatsApp nang may responsibilidad habang kumokonekta sa iyong mga customer. Makipag-ugnayan lang sa mga user na kilala mo at sa mga taong gustong makatanggap ng mga mensahe galing sa 'yo, hilingin sa mga customer na i-save ang phone number mo sa kanilang address book, at iwasang magpadala ng mga automatikong promotional na mensahe sa mga group. Ang hindi pagsunod sa pinakamainam na mga kasanayang ito ay posibleng magresulta sa mga reklamo galing sa mga user at sa pag-ban ng account.
Kung bago ka sa WhatsApp, mag-click dito para sa step-by-step guide kung paano magsimula.
Manatiling konektado sa iyong mga estudyante
Kung wala ka ng mga phone number ng estudyante, gumawa ng universal link na magagamit ng mga estudyante para makapag-chat sa iyo sa WhatsApp. I-share ang link sa pamamagitan ng email, ng iyong Facebook page, o ng anumang iba pang non-public na channel.
Ibigay ang mga lesson sa WhatsApp
I-share ang mga lesson sa form na text at mga voice message. Mag-facilitate ng mga discussion sa mga estudyante na tulad ng ginagawa mo sa personal, sa pamamagitan ng paggawa ng group para sa bawat klase.
Magpadala at tumanggap ng mga assignment
Gamitin ang mga broadcast list para mag-assign ng homework sa maraming estudyante nang sabay-sabay. Ang mga contact lang na nagdagdag sa iyo sa address book ng kanilang telepono ang makakatanggap ng iyong mensahe ng broadcast. Mapupunta lang sa iyo ang mga sagot, kaya makakapag-reply ang mga estudyanteng may natapos nang mga assignment.
Maging available sa iyong mga estudyante nang malayuan
Magbigay ng mga real-time learning opportunity gamit ang group voice at mga video call.
Panatilihing nakikipag-ugnayan ang mga estudyante
Bigyan ang iyong mga klase ng behind-the-scenes look at your day sa pamamagitan ng pagpo-post ng status updates.
Magpadala ng mga mensahe mula sa iyong computer
Gamitin ang WhatsApp Web para mapamahalaan ang malaking bilang ng iyong mga mensahe sa WhatsApp nang mabilis at efficient mula sa iyong desktop.
*Ginagamit lamang ang WhatsApp alinsunod sa mga naaangkop na batas at Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, kabilang ang pinakamababang edad na kailangan sa paggamit ng aming mga serbisyo. Huwag hikayatin ang mga estudyante o ang iba na gumamit ng WhatsApp kung sila wala sa pinakamababang edad na kailangan, o hilingin sa mga estudyante na mandatoryong gumamit ng WhatsApp.