1. I-download at i-launch ang app: I-download ang WhatsApp Messenger nang libre mula sa Google Play Store o Apple App Store. Para buksan ang app, i-tap ang WhatsApp icon sa iyong home screen.
2. I-review ang mga Tuntunin ng Serbisyo: Basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy, pagkatapos ay i-tap ang Sumang-ayon at Magpatuloy para tanggapin ang mga tuntunin.
3. Mag-register: Piliin ang iyong bansa mula sa drop-down list para idagdag ang iyong country code, pagkatapos ay ilagay ang phone number mo sa international format ng phone number. I-tap ang Tapos na o Susunod, pagkatapos ay i-tap ang Ok para matanggap ang iyong 6-digit registration code sa pamamagitan ng SMS o tawag sa telepono. Para kumpletuhin ang pagre-register, ilagay ang iyong 6-digit code. Alamin kung paano i-register ang iyong numero ng telepono sa Android, iPhone, o KaiOS.
4. I-set up ang iyong profile: Sa iyong bagong profile, ilagay ang iyong pangalan, at pagkatapos ay i-tap ang Susunod. Puwede ka ring magdagdag ng litrato sa profile.
5. Payagan ang access sa mga contact at litrato: Puwedeng idagdag sa WhatsApp ang iyong mga contact mula sa address book ng telepono mo. Mapapahintulutan mo rin ang access sa mga larawan, video, at file ng phone mo.
6. Magsimula ng chat: I-tap ang o , pagkatapos ay maghanap ng contact para magsimula. Maglagay ng mensahe sa text field. Para magpadala ng mga litrato o video, i-tap ang o sa tabi ng text field. Piliin ang Camera para kumuha ng bagong litrato o video, o piliin ang Gallery o Photo at Video Library para pumili ng naroroon nang litrato o video mula sa telepono mo. Pagkatapos, i-tap ang o .
7. Gumawa ng grupo: Puwede kang gumawa ng group na may kasaling hanggang 256 na tao. I-tap ang o , pagkatapos ay ang Bagong group. Maghanap o pumili ng mga contact na idaragdag sa grupo, pagkatapos ay i-tap ang Susunod. Maglagay ng paksa ng group at i-tap ang o Gumawa.
I-customize ang mga tampok sa privacy at security features
Ginagawang simple ng WhatsApp na maintindihan at mai-customize ang iyong privacy at security. Alamin pa sa aming privacy page.
I-fact check ang impormasyong natatanggap mo
Isipin kung totoo ang mga mensaheng natatanggap mo, dahil hindi lahat ng naririnig mo ay tumpak. Kung hindi mo kilala ang nagpadala ng mensaheng natanggap mo, hinihimok ka naming i-double check ang impormasyon sa pinagkakatiwalaang mga fact-checking organization. Alamin pa ang tungkol sa kung paano maiiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon sa artikulong ito.
Mga nai-forward na mensahe
Para makatulong na maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon, nililimitahan namin kung paano mo mafo-forward ng mga mensahe. Madali mong matutukoy ang mga nai-forward na mensahe dahil ang mga ito ay may label na Nai-forward . Kapag ang mensahe ay nai-forward mula sa isang user papunta sa isa pa nang maraming beses, magkakaroon ito ng double arrow na icon . Maaari mo pang alamin ang tungkol sa mga limitasyon sa pagfo-forward sa artikulong ito.