Mga Health Care Professional
Ngayon panahon ng matinding kawalan ng katiyakan at pag-iisa, puwede kang kumonekta sa iyong mga pasyente at kasama sa propesyon sa WhatsApp—ang parehong tool na ginagamit nila para manatiling malapit sa mga kaibigan at pamilya.
Gamitin ang WhatsApp nang may responsibilidad habang kumokonekta sa mga customer mo. Makipag-ugnayan lang sa mga user na kilala mo at sa mga taong gustong makatanggap ng mga mensahe galing sa 'yo, hilingin sa mga customer na i-save ang phone number mo sa kanilang address book, at iwasang magpadala ng mga automatikong promotional na mensahe sa mga group. Ang hindi pagsunod sa pinakamainam na mga kasanayang ito ay posibleng magresulta sa mga reklamo galing sa mga user at sa pag-ban ng account.
Para mahusay na makapag-manage ng maraming tanong, makapagtampok ng mga nakakatulong na impormasyon gaya ng business hours at makapag-store ng mga karaniwang ginagamit na sagot, inirerekomenda naming gamitin ang WhatsApp Business app, na mada-download nang libre. Mag-click dito para sa step-by-step guide sa paggamit ng WhatsApp Business app. Kung kailangan mong ilipat ang account mo mula sa WhatsApp Messenger papunta sa WhatsApp Business app, mag-click dito.
I-download para sa telepono mo
*Bawat user ng WhatsApp ay may responsibilidad na siguruhing ang anumang paggamit ng WhatsApp ay sumusunod sa mga nauugnay na batas, kabilang ang mga batas sa privacy at security ng healthcare data. Ang WhatsApp ay hindi nag-aayos o nagbibigay ng mga serbisyo para sa healthcare, at hindi mo maaaring i-represent na affiliated ang WhatsApp sa iyong healthcare practice. Ang WhatsApp ay hindi pamalit sa mga in-person na konsultasyong pangkalusugan sa mga pasyente o para sa mga paggamot ng mga kondisyong nangangailangan ng agarang medikal na atensyon, at hindi ito maaaring gamitin bilang regulated na medical device.