1. Gumawa ng backup ng iyong WhatsApp Messenger account: Kung inililipat mo ang WhatsApp Messenger account sa WhatsApp Business, inirerekomenda naming gumawa ng backup. Kung hindi ka gagawa ng backup, puwedeng mawala ang history ng chat mo. Buksan ang WhatsApp Messenger. Sa Android, i-tap ang at pagkatapos ay i-tap ang Mga setting . Sa iPhone, i-tap ang Mga setting mula sa screen ng iyong mga chat. Mula sa Mga setting, i-tap ang Mga chat at pagkatapos ay ang backup ng Chat at pagkatapos ay ang I-back Up o I-back Up Ngayon. Kapag nakumpleto na ang pag-back up mo, magpatuloy sa susunod na hakbang.
2. I-download at i-launch ang WhatsApp Business app: Libreng i-download ang WhatsApp Business app sa Google Play Store at sa Apple App Store. I-tap ang WhatsApp Business icon sa iyong home screen.
3. I-review ang mga Tuntunin ng Serbisyo: Basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp Business, pagkatapos ay i-tap ang Sumang-ayon at Magpatuloy para tanggapin ang mga tuntunin.
4. Mag-register: Awtomatikong tinutukoy ng WhatsApp Business ang numerong ginagamit mo sa WhatsApp Messenger. Para magpatuloy, i-tap ang opsyon na naglalaman ng number ng business mo.
5. I-transfer ang iyong account: Panatilihing nakabukas ang WhatsApp Business app at ang iyong telepono hanggang sa matapos ang proseso ng paglilipat ng account. Bagama't awtomatikong nangyayari ang paglilipat, puwede kang i-prompt na mag-restore mula sa iyong backup. I-tap ang Magpatuloy o I-restore. Pagkatapos, i-tap ang Susunod kapag na-prompt.
6. Payagan ang access sa mga contact at litrato: Puwedeng idagdag sa WhatsApp Business app ang mga contact mula sa address book ng telepono mo. Mapapahintulutan mo rin ang access sa mga larawan, video, at file ng phone mo.
7. Gumawa ng account: Ilagay ang pangalan ng business mo, pumili ng kategorya ng iyong business, at pumili ng litrato sa profile.
8. Gawin ang iyong business profile: I-tap ang EXPLORE > Business profile. Dito, makakapagdagdag ka ng mahahalagang impormasyon ng negosyo gaya ng address ng negosyo mo, paglalarawan, mga oras, at higit pa.
9. Magsimula ng chat. Naka-set up na ngayon ang iyong business profile. I-tap ang o , pagkatapos ay hanapin o piliin ang contact na ime-message. Maglagay ng mensahe sa field ng text. Pagkatapos, i-tap ang o .
May ilang tool ang WhatsApp Business app para makatulong na mapatakbo ang iyong business sa epektibong paraan. Para i-explore ang mga tool na ito, pumunta sa screen ng mga chat mo. I-tap ang Higit pang Opsyonsa Android o Mga Setting sa iPhone. Pagkatapos, i-tap ang Mga tool sa negosyo.