Kumonekta nang malayuan
Gamitin ang mga tampok ng WhatsApp tulad ng mga group, voice, at video call para manatiling konektado at magbigay ng suporta sa mga mahal sa buhay kahit na maaaring hindi kayo puwedeng magkita sa iisang lugar.
Tinutulungan ka ng WhatsApp na kumonekta sa mga taong pinakaimportante sa iyo. Narito ang ilang paraan na magagamit mo ang WhatsApp para masubaybayan ang mga kaibigan at pamilya, manatiling up to date sa pinakabagong impormasyong pangkalusugan, at magbahagi ng impormasyon sa responsableng paraan. Kung bago ka sa WhatsApp o kung kailangan mo lang ng refresher, narito ang step-by-step guide kung paano magsimula.
Gamitin ang mga tampok ng WhatsApp tulad ng mga group, voice, at video call para manatiling konektado at magbigay ng suporta sa mga mahal sa buhay kahit na maaaring hindi kayo puwedeng magkita sa iisang lugar.
Kumonekta sa mga lokal, nasyonal, at pandaigdigang organisasyon. Sumangguni sa mga pinagkakatiwalaang source tulad ng World Health Organization o ang iyong pambansang health ministry para sa mga pinakabagong impormasyon at alituntunin.
Pag-isipan ang mga mensaheng natatanggap mo, dahil posibleng hindi lahat ng natatanggap mo tungkol sa coronavirus ay tumpak. I-verify ang mga detalye sa iba pang pinagkakatiwalaang opisyal na source, mga fact checker, o sa pamamagitan ng International Fact-Checking Network (IFCN) fact checking chatbot sa +1 (727) 2912606. Kung hindi ka sigurado kung totoo ang isang bagay, huwag mo itong i-forward.
Naninindigan kami sa pagbibigay ng suporta sa mga leader ng komunidad habang kayo'y tumutugon sa hamong ito. Matutunan kung paano mo magagamit ang WhatsApp para magbigay ng impormasyon at manatiling konektado sa iyong komunidad habang nag-aalala ang mga tao tungkol sa coronavirus.
Matutunan kung paano ka maaaring kumonekta sa iyong mga pasyente, magbigay ng impormasyon sa komunidad, mag-host ng mga malayuang conference, mag-set up ng mabilis na tugon sa mga madalas itanong, at higit pa.
Matutunan kung paano kumonekta sa iyong mga mag-aaral sa WhatsApp, magpadala at tumanggap ng mga takdang aralin, mag-share ng mga aralin sa form ng mga text o voice message, at higit pa.
Ipakilala ang iyong organisasyon, manatiling konektado sa iyong komunidad, mag-share ng tumpak at napapanahong impormasyon, makipag-coordinate sa iyong team, mabilis na tumugon sa mga karaniwang tanong, at higit pa.
Humanap ng higit pang paraan para manatiling konektado sa iyong mga customer, mag-share ng kasalukuyang business hours, gawing mas mahusay ang mga pag-pick up at pag-deliver, magbigay ng regular na mga update sa imbentaryo, at higit pa.
Tingnan kung paano ginagamit ng mga tao ang WhatsApp para kumonekta sa kanilang mga komunidad ngayong sinusubok tayo ng panahon:
Sa Pakistan, nakapag-raise ang isang WhatsApp group ng Rs21 milyon para suportahan ang pinakaapektado sa bansa mula sa tuluyang paglubog sa kahirapan: Basahin ang artikulo rito >
Nananatiling konektado ang isang grupo ng Mga Mayor sa Italy gamit ang WhatsApp: Basahin ang artikulo rito >
Naipagpapatuloy ng mga paaralang pang-elementarya sa Naples, Italy ang edukasyon sa kabila ng mga pagsasara, gamit ang WhatsApp para maghatid ng mga takdang aralin sa mga pamilya: Read article here >
Isang lalaki sa Hong Kong ang gumagamit ng WhatsApp para i-mobilize ang komunidad bilang suporta sa mga lokal na negosyo: Basahin ang artikulo rito >
Isang programang employment empowerment sa Jordan ang gumagamit ng WhatsApp para panatilihing inspirado ang kababaihan na maghanap ng trabaho sa kabila ng Coronavirus: Basahin ang artikulo rito >
Bumuo ang mga medikal na propesyonal sa Paris ng WhatsApp group para makakuha ng mga pinakabagong update tungkol sa kapasidad ng mga ospital: Read article here >
Nagho-hold ng mga meeting ang mga opisyal ng Coimbatore, India sa pamamagitan ng WhatsApp: Basahin ang artikulo rito >
Ang mga guro sa mga refugee camp sa Syria ay nagsi-share ng mga video lesson sa mga magulang sa pamamagitan ng WhatsApp: Basahin ang artikulo rito >
Ang mga nakaligtas sa pang-aalipin (slavery) sa India ay gumagamit ng mga WhatsApp group para magpakalat ng kamalayan tungkol sa coronavirus sa mga taong katulad nila: Basahin ang artikulo rito>
Ang mga pasyente sa Florianópolis, Brazil ay nakakapag-iskedyul ng mga appointment at nakakapagtanong gamit ang WhatsApp: Basahin ang artikulo rito >