Huling in-update: Pebrero 16, 2024
Ang WhatsApp Channels ay isang opsyonal, one-way na feature ng pagbo-broadcast sa WhatsApp, hiwalay sa pribadong pagme-message, na dinisenyo para tulungan ang mga taong sundan ang mga impormasyon mula sa mga tao at organisasyon na mahalaga sa kanila. Dapat tandaan ng mga admin ng Channel ang pagsunod sa mga alituntunin (“Mga Alituntunin ng Channels” na ito) para angkop ang kanilang mga update para sa pangkalahatang audience. Sa Paggamit ng WhatApp Channels, sumasang-ayon ka sa Mga Alituntunin ng Channels na ito at ang aming Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo para sa Mga Channel sa WhatsApp.
Dapat igalang ng mga admin ng Channel ang kanilang mga follower at iwasang magpadala ng mga update na masyadong marami o mababa ang kalidad, na maaaring humantong sa pag-unfollow ng mga tatanggap nito sa kanilang channel. Dapat magbigay ang mga admin ng Channel ng title para sa kanilang channel na nagpapakita ng content ng channel at tumutulong sa mga user na gumawa ng mga may kaalamang pagpapasya tungkol sa kung aling mga channel ang pipiliin nilang i-follow.
Maaaring gumawa ng aksyon ang WhatsApp laban sa mga channel na lalabag sa mga sumusunod na Alituntunin ng Channels:
Maaaring gumawa ng aksyon ang WhatsApp, gumamit ng mga automated na tool, human review, at mga user report, para makita ang pang-aabuso sa Mga Alituntunin ng Channels na ito. Hinihikayat namin ang mga user na i-report ang anumang channel o partikular na mga update sa channel na posibleng lumabag sa Mga Alituntunin ng Channels na ito. Maari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mag-report ng channel sa WhatsApp dito. Para sa impormasyon kung paano mag-report ng mga paglabag ng posibleng intellectual property, pakitingnandito.
Automated na Pagpoproseso
Mahalaga ang automated na pagpoproseso ng data sa aming proseso ng pagsusuri at ino-automate ang mga desisyon para sa ilang bahagi kung saan lubhang malamang na lalabagin ng content sa Channels ang Mga Alituntunin ng Channels na ito.
Tinutulungan din kami ng automation na unahin ang pagsusuri sa pamamagitan ng pag-route ng posibleng mga lumalabag na channel sa mga human reviewer na may tamang paksa at expertise sa wika, para unang magtuon ang aming mga team sa pinakamahalagang mga kaso.
Mga Team ng Human Review
Kapag kailangan pa ng pagsusuri ng channel, pinapadala ito ng aming mga automated system sa team ng human review para gumawa ng pinal na desisyon. Matatagpuan ang aming mga team ng human review sa buong mundo, nakakatanggap ng masusing pagsasanay, at madalas dalubhasa sa ilang bahagi at rehiyon ng patakaran. Natututo at humuhusay ang aming mga automated system sa bawat desisyon.
Mga Paglabag ng Lokal na Batas
Sinusuri at tinutugunan ng WhatsApp ang mga valid na legal na utos mula sa mga awtoridad sa mga bansa kung saan kami nag-ooperate. Maaari rin kaming makatanggap ng mga utos ng hukuman para limitahan ang mga WhatsApp Channels. Palagi naming ina-assess ang pagiging lehitimo at pagiging kumpleto ng request ng gobyerno bago gumawa ng aksyon.
Kapag may nakita kaming iilegal na content o paglabag ng aming mga tuntunin at patakaran, maaari kaming gumawa ng aksyon, kasama ang sumusunod, at depende sa katangian ng content o paglabag:
Sususpindihin ng WhatsApp ang mga channel kung paulit-ulit na magpo-post ang (mga) admin ng content na lumalabag sa aming mga tuntunin at patakaran, kasama ang ilegal na content. Ang desisyon para suspindihin ang channel ay depende sa dami, katangian, at tindi ng lumalabag na content, at, kung matutukoy, ang layunin ng user.
Maaari kaming gumawa ng mga karagdagang aksyon gaya ng ipinapakita sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo para sa WhatsApp Channels.
Pag-enforce ng Channels: Gaya ng inilarawan sa itaas, maaari kaming gumawa ng aksyon sa mga channel kapag nalaman namin na lumalabag ang mga channel na iyon sa aming mga tuntunin o patakaran, kasama ang Mga Alituntunin ng mga Channel na ito. Kung hindi ka sasang-ayon sa desisyon na ginawa namin, maaari mong iapela ang desisyon na iyon mula sa info page ng iyong Channels. Maaari ka ring magsumite ng apela dito sa pamamaitan ng WhatsApp support. Kung malalaman naming may mali sa aming desisyon, babaliktarin namin ang enforcement.
Mga Pag-disable ng Account: Kung idi-disable namin ang iyong account para sa paglabag ng Mga Alituntunin ng Channels na ito o Mga Tuntunin ng Serbisyo, maaari mong iapela ang desisyon na iyon gaya ng inilarawan dito.
Kung hindi ka sasang-ayon sa desisyon sa content na ginawa namin sa Channels at ikaw ay user sa EU, maaari mong ipaabot ang desisyong iyon sa sertipikadong out-of-court dispute settlement body para maayos ang isyu.
Mga User Report: Kung magre-report ka ng content na na-post ng iba pero malalaman namin na hindi nilalabag ng content ang aming mga tuntunin o patakaran, sasabihin namin sa iyo. Kung hindi ka sasang-ayon sa desisyon na ginawa namin, maaari mong iapela ang desisyon na iyon. Kung malalaman naming may mali sa aming desisyon, babaliktarin namin ang enforcement.