Ang Karagdagang Patakaran sa Privacy na ito para sa WhatsApp Channels ay nakakatulong sa pagpapaliwanag ng aming mga information practices kapag ginagamit mo ang WhatsApp Channels (“Channels”). Kapag sinabi naming “WhatsApp”, “kami”, “amin” o “namin”, WhatsApp LLC ang tinutukoy namin.
Ang Patakarang ito sa Privacy ng Channels ay nagsisilbing dagdag sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, na nalalapat sa lahat ng paggamit ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang Channels. Ang anumang salitang naka-capitalize pero walang depinisyon sa Patakarang ito sa Privacy ng Mga Channel ay may mga kahulugang nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp. Kung may anumang salungatan sa pagitan ng Patakarang ito sa Privacy ng Channels at sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, ang Patakarang ito sa Privacy ng Channels lamang ang mamamahala tungkol sa paggamit mo ng Channels at hanggang sa kung saan lamang ang salungatan.
Nalalapat ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo para sa Mga Channel sa WhatsApp at Mga Alituntunin ng Mga Channel sa WhatsApp sa paggamit mo ng Mga Channel.
Ano ang saklaw ng Patakarang ito sa Privacy ng Mga Channel?
Ang Channels ay isang opsyonal at one-way na broadcasting feature na nasa WhatsApp, na hiwalay sa aming mga serbisyo sa pribadong messaging, na nagbibigay-daan sa iyo upang makagawa ng Channel (kaya magiging “Admin” ka ng Channel) kung saan ka puwedeng mag-share ng mga update para matingnan ng iba (“Content ng Channel”). Puwede ka ring tumingin at mag-interact sa Content ng Channel, at mag-follow ng ilang partikular na Channel bilang follower (“Follower”). Magagawa rin ng mga hindi follower (“Mga Viewer”) na tumingin at mag-interact sa Content ng Channel.
Ang Channels ay naka-public, na ang ibig sabihin ay, matutuklasan, mafa-follow, at matitingnan ng iba ang Channel mo. Dahil sa pampublikong katangian at unlimited na laki ng audience ng Mga Channel, makikita ng sinuman at ng WhatsApp ang Content ng Channel. Nangangahulugan din ito na ang Content ng Channel ay isa sa mga impormasyong kinokolekta at ginagamit ng WhatsApp para itaguyod ang kaligtasan, security, at integridad sa Channels, alinsunod sa nakasaad sa Patakarang ito sa Privacy ng Channels, sa Mga Karagdagang Tuntunin, at sa Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels.
Mahalagang tandaan na ang paggamit mo sa WhatsApp Channels ay hindi makakaapekto sa privacy ng mga personal mong message sa WhatsApp, na patuloy na magiging encrypted nang magkabilaan alinsunod sa nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Sa hinaharap, puwede kaming magpakilala ng mga karagdagang tampok sa Mga Channel, gaya ng mga bagong paraan para maghanap ng Mga Channel at Content ng Channel, mga karagdagang setting sa audience at privacy para sa Mga Channel, at Mga Channel na encrypted nang magkabilaan. Kung ginagamit mo na ang Channels kapag nag-update kami ng mga tampok at mga setting, ipapaalam naming sa iyo ang mga naturang tampok ayon sa nararapat.
Impormasyong Kinokolekta Namin
Nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp ang impormasyong kinokolekta sa aming Mga Serbisyo. Kapag gumagamit ka ng Mga Channel, kinokolekta rin namin ang mga sumusunod:
Impormasyon mula sa at tungkol sa Mga Admin ng Channel
- Impormasyon para Makagawa ng Channel. Para makagawa ng Channel, dapat magbigay ang Mga Admin ng mga batayang impormasyon, kabilang ang pangalan ng Channel. Puwede ring magdagdag ang Mga Admin ng iba pang impormasyon, gaya ng natatanging pangalan ng Admin ng Channel, icon, litrato, deskripsyon, o mga link sa mga site ng third party.
- Mga Update sa Channel. Ang Channels ay pampubliko, kaya naman ay kinokolekta namin ang Content ng Channel na ginagawa o shine-share ng Mga Admin, gaya ng mga text, mga video, mga litrato, mga image, mga dokumento, mga link, mga gif, mga sticker, audio content, o iba pang mga uri ng content sa mga update ng kanilang Channel para makita ng iba.
Impormasyon ng Viewer at Follower
- Mga Follower, Viewer, at iba pang koneksyon. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa mga Follower at mga Viewer, gaya ng kanilang mga reaksyon, mga gustong wika, at Channels na fina-follow nila.
Impormasyon tungkol sa Lahat ng User ng Mga Channel
- Impormasyon ng Paggamit at Log. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Channels, gaya ng impormasyong nauugnay sa serbisyo, diagnostic na impormasyon, at impormasyon tungkol sa performance. Kapag gumagamit ka ng Channels, kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa Channels at kung paano mo ito ginagamit, kabilang ang mga uri ng content na tinitingnan mo at kung paano ka nakikipag-interact sa mga ito; metadata tungkol sa Channels, Content ng Channel at mga reaksyon ng mga Follower at mga Viewer; mga tampok ng Channels na ginagamit mo at kung paano mo ginagamit ang mga ito, at oras, dalas, at tagal ng mga aktibidad mo sa Channels.
- Mga Report ng User. Puwedeng i-report ng mga user o mga third-party ang Channel mo o partikular na Content ng Channel - halimbawa, para mag-report ng mga posibleng paglabag sa aming mga tuntunin o patakaran o lokal na batas. Kapag may nag-report, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa nag-report na party at (mga) na-report na user (halimbawa, Admin ng Channel), at iba pang impormasyong puwedeng makatulong sa pag-i-imbestiga namin ng report, gaya ng mga nauugnay na Channel o Content ng Channel, mga interaksyon at aktibidad ng user sa Channels, at iba pang impormasyon, gaya ng dami ng mga Follower na nag-mute sa isang Channel, at iba pang mga report ng user o mga enforcement action. Para alamin ang higit pang impormasyon, tingnan ang aming Mga Alituntunin ng WhatsApp Channels at Mga Advanced na Tampok sa Kaligtasan at Security.
Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin sa mga sumusunod na karagdagang paraan:
- Ibigay ang Mga Channel. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para paganahin, ibigay, at pahusayin ang Mga Channel. Halimbawa, puwede naming gamitin ang impormasyong ito para bigyang-daan kang gumawa, mag-follow, o mag-interact sa mga Channel, para tulungan kaming makapagbigay o makapag-develop ng mga karagdagang tampok sa Channels, o para mas mapaganda ang karanasan mo sa Channels gaya ng pagpapakita o pagrerekomenda sa iyo ng mga Channel sa iyong bansa o lokal na wika.
- Unawain ang Paggamit sa Mga Channel. Ginagamit namin ang impormasyon para sukatin at suriin ang bisa, performance, pagkamaaasahan, at pagiging efficient ng Channels, para maunawaan kung paano ginagamit at nag-i-interact ang mga tao sa Channels, at para malaman kung paano namin mapapaunlad at mapapahusay ang aming Mga Serbisyo.
- Para sa Kaligtasan, Security, at Integridad. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (kabilang ang Content ng Channel at aktibidad mo sa Channels) para matiyak ang kaligtasan, security, at integridad ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang paglaban sa mapanganib na gawi; pagprotekta sa mga user laban sa mga masasama o mapanganib na karanasan, pagtukoy at pag-iimbestiga sa kahina-hinalang aktibidad o mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, kabilang ang aming Mga Alituntinin ng WhatsApp Channels, at pagtiyak na nagagamit sa legal na paraan ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang Channels.
Paano ibinabahagi ang impormasyon
Ibinabahagi ang impormasyon ng Mga Channel sa mga sumusunod na paraan:
- Pampublikong Impormasyon. Tandaang naka-public at available sa iba ang Content ng Channel at ang impormasyong ibinabahagi ng Mga Admin sa Channel, alinsunod sa anumang setting ng audience o privacy. Dapat mong tandaan na puwedeng kumuha ng mga screenshot o recording ng Content ng Channel at mga interaksyon sa Channels ang sinuman, at puwede nila itong ipadala sa WhatsApp o sa sinumang iba pa, o i-share, i-export, o i-upload sa labas ng aming Mga Serbisyo.
- Mga Third-Party na Service Provider at Mga Kumpanya ng Meta. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta para tulungan kaming paganahin, ibigay, mapahusay, maunawaan, at suportahan ang Mga Channel. Nakikipagtulungan din kami sa Mga Kumpanya ng Meta para tulungan kaming maitaguyod ang kaligtasan, security, at integridad sa Channels at sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang paggamit ng mga tool sa pag-detect at pagsukat na gumagamit ng kumbinasyon ng mga classifier, mga content at behavioral signals, human review, at mga report ng user—para sa maagap (proactive) at reaktibong (reactive) paraan na pagtukoy sa mga content o paggamit sa Channels na potensyal na lumalabag sa aming mga tuntunin o patakaran. Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta sa ganitong kapasidad, hinihingi namin sa kanila na gamitin ang iyong impormasyon sa ngalan namin alinsunod sa aming mga tagubilin at tuntunin.
Pamamahala at Pagpapanatili sa Iyong Impormasyon
Pwede mong i-access, pamahalaan o i-port yourang iyong impormasyon sa Mga Channel gamit ang aming in-app na mga setting na nakasaad Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
- Pagpapanatili sa pampubliko mong Content ng Channel at impormasyon sa Channel. Sa ordinaryong takbo ng pagbibigay ng Channels, sino-store namin ang Content ng Channel sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw, alinsunod sa mga layuning para sa kaligtasan, security, at integridad o iba pang obligasyong legal o pang-compliance na maaaring mangailangan ng mas matagal na retention. Ang Content ng Channel ay puwedeng manatili sa mga device ng Mga Viewer o mga Follower ng mas mahabang panahon, bagama’t puwede kaming magbigay ng mga opsyon para mas mabilis maglaho ang Content ng Channel, halimbawa, pagkalipas ng 7 araw o 24 na oras kung pipiliin ito ng Mga Admin. Sino-store namin ang iba pang impormasyon ng Channels hangga’t kinakailangan para sa layuning tinukoy sa Patakarang ito sa Privacy ng Channels, at sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp, kabilang ang pagbibigay ng Channels o para sa iba pang lehitimong layunin, gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, pagpapatupad at pag-iwas sa mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, o pagprotekta o pagdepensa sa aming mga karapatan, pag-aari, at mga user. Ang tagal ng pagso-store ay tinutukoy ayon sa sitwasyon na nakadepende sa mga salik gaya ng katangian ng impormasyon, bakit ito kinokolekta at pinoproseso, mga may kaugnayan sa legal o pang-operasyong pangangailangan sa retention, at mga legal na obligasyon.
- Pag-delete sa Channel mo. Kung isa kang Admin, ang pag-delete sa Channel mo ay magreresulta sa pag-alis sa Channel at sa Content ng Channel sa Mga Channel tab sa app mo, pagkatapos ay hindi na ito maa-access ng iba pang mga user sa pamamagitan ng Mga Channel. Puwedeng umabot nang hanggang 90 araw bago ma-delete sa mga server namin ang iyong impormasyon sa Mga Channel. Puwede rin naming panatilihin ang ilan sa impormasyon mo kung kinakailangan para sa mga bagay gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, o mga hakbang para maiwasan ang panganib. Pakitandaan na kapag na-delete mo na ang Channel mo, hindi ito makakaapekto sa impormasyon sa Channel at content na hawak na ng ibang user, gaya ng kopya ng Content ng Channel na naka-save nang local sa kanyang device o na-forward sa iba pang mga user o na-share sa labas ng aming Mga Serbisyo.
- Pag-aalis sa Content ng Channel. Puwedeng alisin ng Mga Admin ng Channel ang Content ng Channel sa loob ng hanggang 30 araw pagkatapos nitong ma-post.
Malalaman mo rito ang higit pang impormasyon tungkol sa aming mga kasanayan sa pag-delete at pag-retain ng data at kung paano ide-delete ang iyong account.
Mga Update sa Aming Patakaran
Puwede naming baguhin o i-update ang Patakarang ito sa Privacy ng Mga Channel. Bibigyan ka namin ng abiso tungkol sa mga pagbabago o mga update ayon sa nararapat, at ia-update namin ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa sa itaas. Regular na tingnan ang aming Patakaran sa Privacy ng Mga Channel.