Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Mayo 25, 2023
Ang Mga Channel sa WhatsApp ay isa sa “Mga Serbisyo” na ibinibigay sa iyo ng WhatsApp. Itong Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyong para sa Mga Channel (ang “Mga Karagdagang Tuntunin”) ay dagdag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, at ang mga ito ay nalalapat sa paggamit mo ng Mga Channel. Mangingibabaw ang mga tuntunin at mga kondisyon ng Mga Karagdagang Tuntunin at ilalapat ang mga ito sa paggamit mo ng Mga Channel. Walang kahit na ano sa Mga Karagdagang Tuntuning ito ng Serbisyo ang naglilimita sa anumang karapatan namin sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp o anumang karagdagang tuntunin o patakarang binabanggit ng mga ito.
Ang Patakaran sa Privacy ng Mga Channel sa WhatsApp ay dagdag sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp at ipinapaliwanag nito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at shine-share ang impormasyon kapag gumamit ka ng Mga Channel. Anumang oras ay puwede ka ring pumunta sa mga setting mo para tingnan ang mga opsyon mo sa privacy. Ang paggamit mo sa Mga Channel ay hindi makakaapekto sa privacy ng mga personal mong message sa WhatsApp, na patuloy na magiging encrypted nang magkabilaan alinsunod sa nakasaad sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Ang Mga Channel ay isang one-to-many broadcast service na nagbibigay-daan upang makita mo at makapag-interact ka sa mga nauukol na paksa at napapanahong update na shine-share ng iba pang mga WhatsApp user. Puwede kang gumawa ng Channel para mag-share ng mga update, na puwedeng matuklasan, ma-follow, at matingnan ng sinuman. Makikita ng WhatsApp at ng aming mga user ang content na ishe-share mo sa Mga Channel. Puwede rin kaming maglista ng Mga Channel na maaaring gusto mong i-follow batay sa iyong bansa o lokal na wika.
Dapat mong i-access at gamitin ang Mga Channel para lamang sa mga layuning legal, awtorisado, at katanggap-tanggap. Ang mga admin ng channel ang responsable sa content na nasa Mga Channel nila, at kailangan nilang magpanatili ng karanasang ligtas at naaangkop sa edad para sa kanilang mga follower. Hindi namin kontrolado ang mga ginagawa o sinasabi ng mga user sa Mga Channel, at hindi kami mananagot para sa mga aksyon o gawi nila (o mga aksyon o gawi mo) (online man o offline) o content (kabilang ang content na ilegal o hindi katanggap-tanggap).
Hindi puwedeng gumawa ang mga admin ng Channel ng aktibidad na labag sa Mga Karagdagang Tuntuning ito o iba pang tuntunin at patakarang nalalapat sa paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang, pero hindi limitado sa, Mga Alituntunin ng Mga Channel sa WhatsApp. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Puwedeng mag-report ang mga user ng WhatsApp ng anumang Channel o partikular na update na posibleng labag sa kanilang mga karapatan o sa aming mga tuntunin at patakaran. Maari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mag-report at mag-block sa WhatsApp dito.
Maaaring alisin ng WhatsApp o limitahan nito ang pagbabahagi o pag-access sa anumang content o impormasyong na-share sa Mga Channel na labag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, sa Mga Karagdagang Tuntuning ito, sa aming mga patakaran (kabilang ang Mga Alituntunin ng Mga Channel sa WhatsApp ), o kung saan namin puwede o kailangang isagawa ang mga ito ayon sa batas. Puwede rin naming alisin o paghigpitan ang access sa ilang partikular na mga feature, mag-disable o magsuspinde ng account, o makipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas para protektahan ang aming Mga Serbisyo at aming mga user. Puwede kaming makipagtulungan sa mga third-party na service provider, kabilang ang Mga Kumpanya ng Meta, para matiyak ang security, kaligtasan, at integridad sa buong WhatsApp, alinsunod sa nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp, at Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Nakalaan din sa WhatsApp ang karapatang wakasan ang access mo sa buong Serbisyo, alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp. Bagama’t sinisikap naming ilapat ang aming mga patakaran sa consistent na paraan sa lahat ng hurisdiksyon, sa ilang hurisdiksyon ay posibleng may mga partikular na kinakailangan sa ilalim ng mga naaangkop na batas na nangangailangan ng magkakaibang pagpapatupad.
Kailangan namin ng ilang pahintulot mula sa iyo para maibigay ang Mga Channel. Kasama sa lisensyang ibinigay mo sa amin sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng WhatsApp (<Lisensya mo sa WhatsApp>) ang content na shine-share mo sa Mga Channel sa WhatsApp.
Puwedeng mabago ang functionality at/o ang performance ng Mga Channel sa paglipas ng panahon. Puwede kaming magpakilala ng mga bagong tampok, magpataw ng mga limitasyon, magsuspinde, mag-alis, magpalit, maglimita ng access, o mag-update ng ilang partikular na kasalukuyang feature o anumang bahagi ng Mga Channel. Puwede kaming mag-alok ng mga limitadong bersyon ng Mga Channel, at posibleng limitado ang mga tampok o naglalaman ng iba pang limitasyon ang mga bersyong ito. Kung may tampok o content na hindi na available, posibleng ma-delete o hindi na ma-access ang impormasyon, data, o content na ginawa o ibinigay mo kaugnay ng naturang tampok o content.
Puwede naming baguhin o i-update ang Mga Karagdagang Tuntuning ito. Bibigyan ka namin ng abiso ng mahahalagang pagbabago sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, kung naaangkop, at ia-update namin ang petsang "Huling binago" sa itaas ng aming Mga Karagdagang Tuntunin. Ang patuloy mong paggamit sa aming Mga Serbisyo ang nagkukumpirma ng pagtanggap mo sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, ayon sa kung paano ito binago. Sana ay magpatuloy ka sa paggamit ng Channels, pero kung hindi ka sumasang-ayon sa aming Mga Karagdagang Tuntunin, ayon sa kung paano ito binago, dapat mong ihinto ang paggamit sa Channels o dapat mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pag-delete ng iyong account.