Magsisimula sa Oktubre 15, 2024
Naaangkop ang Abiso sa Privacy kung nag-opt in ka sa mga effect sa mukha at kamay. Ipinapaliwanag nito kung paano namin ginagamit at pinoprotektahan ang iyong impormasyon para gawin ang mga camera effect at karagdagan sa Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Ang mga effect sa mukha at kamay ay mga feature ng augmented reality na nagre-react habang ang mga tao sa scene ay gumagalaw, nagsasalita at ipinapahayag ang kanilang mga sarili. Kasama sa mga ito ang mga filter, mask at iba pang interactive digital experience. Pwede mong gamitin ang mga effect na ito sa iyong camera, mga litrato at video.
Kapag gumamit ka ng mga effect sa mukha at kamay, kailangan naming ipakita ang mga ito sa tamang lugar sa iyong camera, mga litrato at video at gumawa ng ilang effect na nagre-react sa iyong mga gesture, expression o paggalaw. Halimbawa, kung pipiliin ang mga tainga ng tuta, kailangan naming siguraduhin na lumalabas ang mga tainga sa itaas ng iyong ulo at mananatili roon habang gumagalaw ka. Para gawin ito, tinatantya namin ang lokasyon ng mga bahagi ng iyong mukha (tulad ng iyong mga mata, ilong o bibig) at mga point sa iyong mukha, mga mata o mga kamay. Para sa ilang effect, gagamitin namin ang mga point sa generic na model ng mukha at ia-adjust ito para gayahin ang iyong mga facial expression at galaw. Hindi ginagamit ang impormasyong ito para makilala ka.
Hindi namin pinoproseso o ini-store ang impormasyong ito sa aming mga server o ibabahagi ito sa mga third party. Pinoproseso ang impormasyon, pero hindi naka-store sa iyong device at dine-delete kasunod na iyong paggamit ng piniling effect.
Kapag gumamit ka ng mga effect sa mukha at kamay, maaari naming iproseso ang impormasyon mula sa mga larawan iba pang tao na lumalabas sa iyong camera feed, litrato o video. Halimbawa, kapag gumamit ka ng mga effect sa isang video call, maaaring mayroong mga tainga ng tuta sa kanyang ulo ang isang taong nasa background.
Kung residente ka ng US, kakailanganin mong i-ON ang mga effect sa mukha at kamay bago mo ma-access ang mga ito sa WhatsApp. Ang unang beses na subukan mong gamitin ang mga effect sa mukha at kamay sa WhatsApp, hihilingin sa iyo na i-ON ang mga effect.
Pwede ong baguhin ang iyong setting ng mga effect sa mukha at kamay anumang oras. Kung naka-OFF ang setting, magkakaroon ka pa rin ng access sa iba pang feature.
Sa pag-ON ng mga effect, sumasang-ayon ka na gagamitin mo lang ang mga effect kung ang lahat ng tao na lumalabas sa iyong camera feed, litrato o vdieo ay in-ON din ang mga effect sa pamamagitan ng kanilang mga WhatsApp account, o ikaw ang kanilang legal na awtorisadong kinatawan at pinahihintulutan ang mga tuntunin ng abisong ito sa ngalan nila.