Talaan ng mga Nilalaman
Ang WhatsApp LLC (kung nakatira ka sa UK o sa labas ng European Region) at WhatsApp Ireland Limited (kung nakatira ka sa European Region) (kapag magkakasama ay, "WhatsApp," "namin," "kami," or"amin") nakatuon sa pagtulong sa mga tao at organisasyon na protektahan ang knailang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari. Sumasang-ayon ang aming mga user sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin") sa pamamagitan ng pag-install, pag-access, o paggamit ng aming mga app, serbisyo, feature, software, o website (sama-samang tinatawag na "Mga Serbisyo"). Ipinagbabawal ng aming Mga Tuntunin ang paglabag ng mga user sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang kanilang mga copyright at trademark.
Gaya ng mas detalyadong pagpapaliwanag sa aming Patakaran sa Privacy, hindi namin pinapanatili ang mga mensahe ng aming mga user sa karaniwang takbo ng pagbibigay namin ng aming Mga Serbisyo. Gayunpaman, hino-host namin ang impormasyon ng account ng aming mga user, kabilang ang profile picture, pangalan ng profile, o mensahe ng status ng aming mga user, kung magpapasya silang ilagay ang mga ito bilang bahagi ng impormasyon ng kanilang account, pati rin ang content sa Mga Channel.
Ang copyright ay isang legal na karapatan na hinahangad na protektahan ang mga orihinal na gawa ng may-akda (halimbawa: mga libro, musika, pelikula, sining). Sa pangakalahatan, pinoprotektahan ng copyright ang orihinal na pagpapahayag tulad ng mga salita o larawan. Hindi nito pinoprotektahan ang mga katunayan at ideya, bagaman posible nitong protektahan ang mga orihinal na salita o larawan na ginamit para ilarawan ang isang ideya. Hindi rin pinoprotektahan ng copyright ang mga bagay tulad ng mga pangalan, pamagat at mga slogan; gayunpaman, ang isa pang legal na karapatan na tinatawag na trademark ay maaaring protektahan ang mga iyon.
Kung naniniwala kang nilalabag ng content sa WhatsApp ang iyong may copyright na gawa, maaari mo itong i-report sa pamamagitan ng pagsagot sa contact form.
WhatsApp LLC
Attn: WhatsApp Copyright Agent
1601 Willow Road
Menlo Park, California 94025
United States of America
Bago ka mag-report ng claim ng copyright infringement, baka gusto mong magpadala muna ng mensahe sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo lumalabag sa iyong copyright. Maaari mong malutas nang direkta ang isyu sa kanila.
Ang trademark ay isang salita, slogan, simbolo o disenyo (halimbawa: brand name, logo) na kumikilala sa kaibahan ng mga produkto o serbisyong ibinibigay ng isang tao, grupo o kumpanya mula sa isa pa. Sa pangkalahatan, hinahangad ng batas sa trademark na iwasan ang pagkalito sa mga consumer tungkol sa kung sino ang nagbibigay ng o nauugnay sa isang produkto o serbisyo.
Kung naniniwala kang nilalabag ng content sa WhatsApp ang iyong may trademark na gawa, maaari mo itong i-report sa pamamagitan ng pagsagot sa contact form.
Bago ka mag-report ng claim ng trademark infringement, baka gusto mong magpadala muna ng mensahe sa nauugnay na user ng WhatsApp na sa tingin mo ay lumalabag sa trademark mo. Maaari mong malutas nang direkta ang isyu sa kanila.
Kung paulit-ulit na magpo-post ang isang tao ng content na lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari, maaaring mangyari ang mga sumusunod:
Kung babawiin ang alinman sa mga aksyon na gagawin namin dahil sa isang apela o dahil binawi ng rights owner ang kanyang report, isasaalang-alang namin iyon sa ilalim ng aming patakaran sa umulit na lumalabag.
Kung inalis namin ang iyong content mula sa iyong Channel dahil sa report ng intellectual property, at naniniwala ka na dapag hindi ito ginaw, pwede kang mag-submit ng apela.
Para iapela ang ginawang intellectual property sa iyong Channel, i-tap ang mga channel alert sa banner o i-tap ang pangalan ng iyong channel > channel alerts.