Legal na Impormasyon tungkol sa WhatsApp
Kung nakatira ka sa European Region, ibinibigay ng WhatsApp Ireland Limited ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") ang aming Mga Serbisyo sa iyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito. Kung nakatira ka sa labas ng European Region, WhatsApp LLC ang nagbibigay sa iyo ng mga serbisyo.
Isa kami sa Mga Kumpanya ng Facebook. Nakakatulong ang aming Patakaran sa Privacy ("Patakaran sa Privacy") para maipaliwanag ang aming mga kasanayan at kagawian sa data, kabilang ang impormasyong pinoproseso namin para maibigay ang aming Mga Serbisyo.
Halimbawa, nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy kung ano ang impormasyong kinokolekta namin at kung paano ito nakakaapekto sa iyo. Ipinapaliwanag din nito ang mga hakbang na isinasagawa namin para protektahan ang iyong privacy - gaya ng pagbuo sa aming Mga Serbisyo sa paraan kung saan ang mga inihahatid na mensahe ay hindi namin maso-store at pagbibigay sa iyo ng kontrol sa kung sino ang makakausap sa aming Mga Serbisyo.
Nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng aming Serbisyo, maliban na lang kung iba ang nakasaad.
Pakibasa rin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin") ng WhatsApp, na naglalarawan sa mga tuntunin na sumasaklaw sa paggamit mo at pagbibigay namin ng aming Mga Serbisyo.
Bumalik sa itaas
Key Updates
Nasa DNA namin ang paggalang sa iyong privacy. Simula noong sinimulan namin ang WhatsApp, binuo namin ang aming Mga Serbisyo nang may pagsasaalang-alang sa isang hanay ng mahihigpit na prinsipyo sa privacy. Sa aming na-update na Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy, makikita mo ang mga sumusunod:
- Karagdagang Impormasyon sa Kung Paano Namin Pinapangasiwaan ang Iyong Data. Nagbibigay ang na-update naming Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy ng higit pang impormasyon sa kung paano namin pinoproseso ang iyong data, kabilang ang aming legal na batayan sa pagpoproseso, at ang pagtuon namin sa privacy.
- Mas Magandang Komunikasyon sa Mga Negosyo. Maraming negosyo ang umaasa sa WhatsApp para makipag-usap sa kanilang mga customer at kliyente. Nakikipagtulungan kami sa mga negosyong gumagamit ng Facebook o mga third party para tumulong sa pag-store at mas mahusay na pamamahala sa kanilang mga komunikasyon sa iyo sa WhatsApp.
Bumalik sa itaas
Impormasyong Kinokolekta Namin
Kinakailangang tumanggap at mangolekta ang WhatsApp ng ilang impormasyon para patakbuhin, ibigay, mapahusay, maunawaan, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang pag-install, pag-access, at paggamit mo sa aming Mga Serbisyo. Ang mga uri ng impormasyong tatanggapin at kokolektahin namin ay nakadepende sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo.
Nangangailangan kami ng ilang partikular na impormasyon para maihatid ang aming Mga Serbisyo, at kung wala ang mga ito, hindi namin maibibigay sa iyo ang Mga Serbisyo. Halimbawa, kinakailangang mong ibigay ang numero ng mobile phone mo para gumawa ng account para magamit ang aming Mga Serbisyo.
May mga opsyonal na feature ang aming Mga Serbisyo na kung gagamitin mo ay mangangailangan sa amin na mangolekta ng mga dagdag na impormasyon para maibigay ang mga naturang feature. Aabisuhan ka tungkol sa ganoong pangongolekta, kung naaangkop. Kung hindi mo pipiliing ibigay ang impormasyong kailangan para makagamit ng isang feature, hindi mo magagamit ang feature. Halimbawa, hindi mo maibabahagi ang iyong lokasyon sa mga contact mo kung hindi mo papayagang kolektahin ang data ng lokasyon mo mula sa iyong device. Mapapamahalaan ang mga pahintulot sa pamamagitan ng iyong menu na Settings sa mga Android at iOS device.
Impormasyong Ibinibigay Mo
- Impormasyon ng Account Mo. Kinakailangan mong ibigay ang numero ng mobile phone mo at mga basic na impormasyon (kabilang ang pinili mong pangalan ng profile) para makagawa ng WhatsApp account. Kung hindi mo ibibigay sa amin ang naturang impormasyon, hindi ka makakagawa ng account para magamit ang aming Mga Serbisyo. Puwede kang magdagdag ng iba pang impormasyon sa iyong account, gaya ng profile picture, at impormasyon "tungkol sa iyo."
- Mga Mensahe Mo. Hindi namin pinapanatili ang iyong mga mensahe sa karaniwang proseso ng pagbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo. Sa halip, sa device mo naka-store ang iyong mga mensahe at hindi karaniwang sino-store ang mga ito sa aming mga server. Kapag naihatid na ang iyong mga mensahe, buburahin ang mga ito sa aming mga server. Inilalarawan ng mga sumusunod na senaryo ang mga pagkakataon kung kailan puwede naming i-store ang iyong mga mensahe sa proseso ng paghahatid sa mga ito:
- Mga Hindi Naihatid na Mensahe. Kung hindi agad maihahatid ang isang mensahe (halimbawa, offline ang tatanggap), itatabi namin ito sa encrypted na anyo sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan naming ihatid ito. Kung hindi pa rin maihahatid ang isang mensahe pagkalipas ng 30 araw, buburahin namin ito.
- Pag-forward ng Media. Kapag nag-forward ang isang user ng media sa loob ng isang mensahe, pansamantala naming sino-store ang media na iyon sa encrypted na anyo sa aming mga server para makatulong sa mas epektibong pagpapadala ng mga karagdagang ifo-forward.
- Nagbibigay kami ng magkabilaang encryption para sa aming Mga Serbisyo. Sa magkabilaang encryption, encrypted ang iyong mga mensahe para hindi namin mabasa o ng mga third party ang mga ito. Alamin pa ang tungkol sa magkabilaang encryption at kung paano nakikipag-usap ang mga negosyo sa iyo sa WhatsApp.
- Mga Koneksyon Mo. Puwede mong gamitin ang contact upload feature, at kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede mong ibigay sa amin nang regular ang mga numero ng telepono na nasa iyong address book, kabilang na ang sa mga user ng aming Mga Serbisyo at iba mo pang contact. Kung may sinuman sa mga contact mo na hindi pa gumagamit ng aming Mga Serbisyo, papamahalaan namin ang impormasyong ito para sa iyo sa paraang titiyak na hindi namin makikilala ang mga contact na iyon. Alamin pa ang tungkol sa aming contact upload feature dito. Puwede kang gumawa, sumali, o maidagdag sa mga group at broadcast list, at maiuugnay sa impormasyon ng account mo ang mga naturang group at list. Papangalanan mo ang iyong mga group. Puwede kang magbigay ng profile picture o deskripsyon ng group.
- Impormasyon sa Status. Puwede mong ibigay sa amin ang iyong status kung gusto mong maglagay nito sa iyong account. Alamin kung paano gumamit ng status sa Android, iPhone, o KaiOS.
- Data ng Mga Transaksyon at Pagbabayad. Kung gagamitin mo ang aming mga serbisyo sa pagbabayad, o kung gagamitin mo ang aming Mga Serbisyo na para sa mga pagbili o iba pang pinansyal na transaksyon, nagpoproseso kami ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa iyo, kabilang ang account sa pagbabayad at impormasyon ng transaksyon. Kabilang sa impormasyon ng account sa pagbabayad at transaksyon ang mga impormasyong kailangan para makumpleto ang transaksyon (halimbawa, impormasyon tungkol sa iyong paraan ng pagbabayad, mga detalye ng pagpapadala, at halaga ng transaksyon). Kung gagamitin mo ang aming mga serbisyo sa mga pagbabayad na available sa iyong bansa o teritoryo, nakasaad ang aming mga kasanayan at kagawian sa privacy sa mga nalalapat na patakaran sa privacy sa mga pagbabayad.
- Customer Support at Iba Pang Komunikasyon. Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin para sa customer support o kapag nakipag-ugnayan ka sa amin para sa ibang dahilan, puwede kang magbigay sa amin ng impormasyong nauugnay sa paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang mga kopya ng iyong mga mensahe, at anumang iba pang impormasyon na sa tingin mo ay makakatulong, at kung paano ka makokontak (hal., email address). Halimbawa, puwede kang magpadala sa amin ng email na naglalaman ng impormasyong nauugnay sa performance ng aming app o iba pang isyu.
Impormasyong Awtomatikong Kinokolekta
- Impormasyon ng Paggamit at Log. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa aming Mga Serbisyo, gaya ng impormasyong nauugnay sa serbisyo, diagnostic na impormasyon, at impormasyon tungkol sa performance. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad (kasama kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo, ang mga setting ng Mga Serbisyo mo, paano ka nakikipag-ugnayan sa iba gamit ang aming Mga Serbisyo (kasama na kapag nakikipag-ugnayan ka sa isang negosyo), at ang oras, dalas, at tagal ng mga aktibidad at interaksyon mo), mga log file, at mga diagnostic na log at ulat , at mga log at ulat ng pag-crash, website, at performance. Kabilang din dito ang impormasyon tungkol sa kung kailan ka nagparehistro para magamit ang aming Mga Serbisyo; mga feature na ginagamit mo gaya ng aming messaging, pagtawag, Status, mga group (kabilang ang pangalan ng group, larawan ng group, deskripsyon ng group), mga pagbabayad, o mga feature ng negosyo; profile photo; impormasyon "tungkol sa iyo"; kung online ka o hindi; kailan mo huling ginamit ang aming Mga Serbisyo (kung kailan ka "huling nakita"); at kung kailan mo huling na-update ang impormasyon "tungkol sa iyo."
- Impormasyon ng Device at Koneksyon. Nangongolekta kami ng impormasyong partikular tungkol sa device at koneksyon kapag nag-install, nag-access, o gumamit ka ng aming Mga Serbisyo. Kasama rito ang mga impormasyon gaya ng hardware model, impormasyon sa operating system, level ng baterya, lakas ng signal, bersyon ng app, impormasyon ng browser, mobile network, impormasyon ng koneksyon kabilang ang numero ng telepono, mobile operator o ISP, wika at time zone, IP address, impormasyon ng mga operation ng device, at mga identifier (kabilang ang mga identifier na natatangi sa Facebook Company Products na nauugnay sa parehong device o account).
- Impormasyon ng Lokasyon. Nangongolekta at gumagamit kami ng impormasyon ng eksaktong lokasyon mula sa iyong device nang may pahintulot mo kapag pinili mong gumamit ng mga feature na nauugnay sa lokasyon, gaya ng kapag nagpasya kang ibahagi ang iyong lokasyon sa iyong mga contact o tingnan ang mga lokasyon sa malapit o mga lokasyong ibinahagi sa iyo. May ilang partikular na setting na nauugnay sa impormasyong may kaugnayan sa lokasyon na puwede mong mahanap sa mga setting ng device mo o sa mga in-app na setting, gaya ng Pagbabahagi ng lokasyon. Kahit na hindi mo gamitin ang aming mga feature na may kaugnayan sa lokasyon, gumagamit kami ng mga IP address at iba pang impormasyon, gaya ng mga area code ng numero ng telepono, para tantyahin ang pangkalahatan mong lokasyon (hal., lungsod at bansa). Ginagamit din namin ang impormasyon ng lokasyon mo para sa diagnostics at pag-troubleshoot.
- Mga Cookie. Gumagamit kami ng mga cookie para paganahin at maibigay ang aming Mga Serbisyo, kasama na ang pagbibigay ng aming mga web-based na Serbisyo, pagpapaganda sa iyong mga karanasan, pag-unawa sa kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo, at pag-customize sa mga ito. Halimbawa, gumagamit kami ng mga cookie para ibigay ang aming Mga Serbisyo para sa web at desktop at iba pang web-based na serbisyo. Puwede rin kaming gumamit ng mga cookie para maunawaan kung alin sa mga artikulo ng aming Help Center ang pinakasikat at para pakitaan ka ng mga kapaki-pakinabang na content na may kaugnayan sa aming Mga Serbisyo. Puwede rin kaming gumamit ng mga cookie para maalala ang mga opsyon mo, gaya ng mga kagustuhan mo sa wika, para makapagbigay ng mas ligtas na karanasan, at para ma-customize namin ang aming Mga Serbisyo para sa iyo. Alamin pa kung paano kami gumagamit ng mga cookie para maibigay sa iyo ang aming Mga Serbisyo.
Impormasyon ng Third-Party
- Impormasyong Ibinibigay ng Iba Tungkol sa Iyo. Nakakatanggap kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa ibang user. Halimbawa, kapag may kakilala kang ibang user na gumagamit ng aming Mga Serbisyo, puwede nilang ibigay ang iyong numero ng telepono, pangalan, at iba pang impormasyon (gaya ng impormasyon mula sa kanilang address book sa mobile), at magagawa mo rin ito sa kanila. Puwede ka rin nilang padalhan ng mga mensahe, puwede rin silang magpadala ng mga mensahe sa mga grupong kinabibilangan mo, o puwede ka nilang tawagan. Bago magbigay ng anumang impormasyon sa amin, hihingiin namin sa bawat isa sa mga user na ito ang mga legal na karapatang kolektahin, gamitin, at ibahagi ang iyong impormasyon.
Dapat mong tandaan na sa pangkalahatan, ang sinumang user ay puwedeng kumuha ng mga screenshot ng iyong mga chat o mensahe o puwede niyang i-record ang inyong mga tawagan, at puwede niyang ipadala ang mga ito sa WhatsApp o sa sinupaman, o i-post ang mga ito sa ibang platform. - Mga Ulat ng User. Tulad din ng kakayahan mong maiulat ang iba, puwede ring iulat ng iba pang user o third party ang mga interaksyon at mensahe mo sa kanila o sa aming Mga Serbisyo; halimbawa, para mag-ulat ng mga posibleng paglabag sa aming Mga Tuntunin o patakaran. Kapag may isinagawang ulat, nangongolekta kami ng impormasyon sa nag-uulat at iniuulat na user. Para malaman ang higit pa tungkol sa kung ano ang nangyayari kapag nag-ulat ang isang user, pakitingnan ang "Mga Advanced na Feature para sa Kaligtasan at Seguridad" dito.
- Mga Negosyo sa WhatsApp. Ang mga negosyong kinakausap mo gamit ang aming Mga Serbisyo ay puwedeng magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga interaksyon nila sa iyo. Hinihingi namin sa bawat isa sa mga negosyong ito na kumilos sila alinsunod sa nalalapat na batas kapag nagbibigay ng anumang impormasyon sa amin. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa isang negosyo sa WhatsApp, mahalagang tandaan na posibleng nakikita ng ibang tao na nasa negosyong iyon ang ibinabahagi mong content. Bilang karagdagan, puwedeng nakikipagtulungan ang ilang negosyo sa mga third-party na service provider (na posibleng kinabibilangan ng Facebook) para makatulong sa pamamahala sa kanilang mga komunikasyon sa kanilang mga customer. Halimbawa, ang isang negosyo ay puwedeng magbigay sa naturang third-party na service provider ng access sa mga komunikasyon nito para ipadala, i-store, basahin, pamahalaan, o kaya ay iproseso ang mga ito para sa negosyo.
Para maunawaan kung paano pinoproseso ng isang negosyo ang iyong impormasyon, kasama na kung paano nito posibleng ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party o sa Facebook, dapat mong basahin ang patakaran sa privacy ng negosyong iyon o dapat kang makipag-ugnayan nang direkta sa negosyo. - Mga Third-Party na Service Provider. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Facebook para makatulong sa pagpapagana, pagbibigay, pagpapahusay, pag-unawa, pag-customize, at pag-market sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, nakikipagtulungan kami sa kanila para maipamahagi ang aming mga app; mailatag ang aming teknikal at pisikal na imprastruktura, paghahatid, at iba pang mga system; makapagbigay ng suporta sa engineering, suporta sa cybersecurity, at suporta sa pagpapatakbo; makapag-supply ng impormasyon tungkol sa lokasyon, mapa, at mga lugar; magproseso ng mga pagbabayad; matulungan kami sa pag-unawa sa kung paano ginagamit ng mga tao ang aming Mga Serbisyo; ma-market ang aming Mga Serbisyo; tulungan kang makakonekta sa mga negosyo gamit ang aming Mga Serbisyo; magsagawa ng mga survey at pananaliksik para sa amin; siguraduhin ang kaligtasan, seguridad, at integridad; at makatulong sa serbisyo sa customer. Ang mga kumpanyang ito ay puwedeng magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa iyo sa ilang partikular na sitwasyon; halimbawa, puwedeng magbigay sa amin ang mga app store ng mga ulat para tulungan kaming mag-diagnose at mag-ayos ng mga isyu sa serbisyo.
Sa seksyong "Paano Kami Nakikipagtulungan sa Iba Pang Kumpanya ng Facebook" sa ibaba, makakakita ka ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nangongolekta at nagbabahagi ang WhatsApp ng impormasyon sa iba pang Mga Kumpanya ng Facebook. Puwede ka ring matuto pa sa aming Help Center tungkol sa kung paano kami nakikipagtulungan sa Mga Kumpanya ng Facebook. - Mga Serbisyo ng Third-Party. Pinapayagan ka naming gamitin ang aming Mga Serbisyo kaugnay ng mga serbisyo ng third-party at Facebook Company Products. Kung gagamitin mo ang aming Mga Serbisyo sa mga naturang serbisyo ng third-party o Facebook Company Products, puwede kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa kanila; halimbawa, kung gagamitin mo ang WhatsApp share button sa isang news service para magbahagi ng artikulo ng balita sa iyong mga contact, grupo, o broadcast list sa WhatsApp sa aming Mga Serbisyo, o kung pipiliin mong i-access ang aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng promosyon ng isang mobile carrier o provider ng device sa aming Mga Serbisyo. Pakitandaan na kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third-party o Facebook Company Products, mananaig ang kanilang sariling mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang serbisyo at produkto.
Bumalik sa itaas
Paano Kami Gumagamit ng Impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (alinsunod sa mga opsyong pipiliin mo at sa nalalapat na batas) para patakbuhin, ibigay, mapaganda, unawain, i-customize, suportahan, at i-market ang aming Mga Serbisyo. Narito kung paano:
- Ang Aming Mga Serbisyo. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo, kabilang na ang pagbibigay ng suporta sa customer, pagkumpleto sa mga pagbili o transaksyon; at pagpapahusay, pag-aayos, at pag-customize sa aming Mga Serbisyo. Ginagamit din namin ang impormasyong mayroon kami para maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang aming Mga Serbisyo; masuri at mapahusay ang aming Mga Serbisyo; manaliksik, mag-develop, at mag-test ng mga bagong serbisyo at feature; at magsagawa ng mga pag-troubleshoot. Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para sumagot sa iyo kapag nakipag-ugnayan ka sa amin.
- Kaligtasan, Seguridad, at Integridad. Mahalagang bahagi ng aming Mga Serbisyo ang kaligtasan, seguridad, at integridad. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para mag-verify ng mga account at aktibidad; labanan ang mapaminsalang gawain; protektahan ang mga user laban sa masasamang karanasan at spam; at magtaguyod ng kaligtasan, seguridad, at integridad sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo, gaya ng sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng kahina-hinalang aktibidad o mga paglabag sa aming Mga Tuntunin at patakaran, at para matiyak na ginagamit sa legal na paraan ang aming Mga Serbisyo. Pakitingnan ang seksyong "Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan at Proteksyon" para sa higit pang impormasyon.
- Mga Komunikasyon Tungkol sa Aming Mga Serbisyo at Ang Mga Kumpanya ng Facebook. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para makipag-usap sa iyo tungkol sa aming Mga Serbisyo at maipaalam sa iyo ang tungkol sa aming mga tuntunin at patakaran at iba pang mahahalagang update. Puwede naming i-market sa iyo ang aming Mga Serbisyo at ang mga serbisyo ng Mga Kumpanya ng Facebook. Pakibasa ang "Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan" para sa karagdagang impormasyon.
- Bawal ang Mga Banner Ad ng Third-Party. Hindi pa rin namin pinapayagan ang mga banner ad ng third-party sa aming Mga Serbisyo. Wala kaming planong ipasok ang mga ito, pero kung sakali man, ia-update namin ang Patakaran sa Privacy na ito.
- Mga Interaksyon sa Negosyo. Binibigyang-daan ka namin at ang mga third party, gaya ng mga negosyo, na makipag-usap at makipag-ugnayan sa isa't isa gamit ang aming mga serbisyo gaya ng Mga Catalog para sa mga negosyo sa WhatsApp kung saan puwede kang mag-browse ng mga produkto at serbisyo at mag-order. Puwede kang padalhan ng mga negosyo ng mga abiso tungkol sa transaksyon, appointment, at shipping; mga update sa produkto at serbisyo; at marketing. Halimbawa, puwede kang makatanggap ng impormasyon tungkol sa status ng flight para sa nalalapit na biyahe, resibo ng binili mo, o abiso kung kailan makakarating ang isang delivery. Ang mga mensaheng matatanggap mo mula sa isang negosyo ay puwedeng maglaman ng alok para sa isang bagay na puwede mong magustuhan. Ayaw naming puro spam ang makita mo; gaya ng lahat ng mensahe mo, puwede mong pamahalaan ang mga komunikasyong ito, at kikilalanin namin ang mga opsyong pipiliin mo.
- Metadata ng Messaging. Ang Metadata ng Messaging ay naglalaman ng impormasyong pinoproseso namin para maiparating ang iyong mga mensahe o tawag at naglalaman ito ng impormasyon gaya ng iyong user ID at ang oras na nagpadala ka ng mensahe. Ginagamit namin ang Metadata ng Messaging para i-transmit ang komunikasyon, para paganahin ang aming Mga Serbisyo (kabilang ang pangkalahatang pamamahala ng trapiko at ang pag-iwas, pag-detect, pagsisiyasat, at pagreremedyo sa mga pagpalya), para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng aming Mga Serbisyo (na naglalaman ng availability, authenticity, integridad, at pagiging kumpidensyal ng mga ito, at sa partikular, ang pag-iwas, pag-detect, pagsisiyasat, at pagreremedyo sa mga insidenteng panseguridad, spam, mga kahinaan, malware, at hindi awtorisadong paggamit o access sa Mga Serbisyo), para sa pagsingil (kapag naaangkop), at para sumunod sa mga legal na obligasyon sa ilalim ng nalalapat na batas.
Bumalik sa itaas
Impormasyong Ibinabahagi Mo at Namin
Ibinabahagi mo ang iyong impormasyon habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo at nakikipag-usap ka gamit ang mga ito, at ibinabahagi namin ang iyong impormasyon para tulungan kaming paganahin, ibigay, mapahusay, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo.
- Ipadala ang Iyong Impormasyon sa Mga Pinili Mong Kausapin. Ibinabahagi mo ang iyong impormasyon (kabilang ang mga mensahe) habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo at nakikipag-usap ka gamit ang mga ito.
- Impormasyong Nauugnay sa Iyong Account. Available sa sinumang gumagamit ng aming Mga Serbisyo ang iyong numero ng telepono, pangalan sa profile at profile photo, impormasyon "tungkol sa iyo", kung kailan ka huling nakita, at mga resibo ng mensahe, bagama't puwede mong i-configure ang mga setting ng iyong Mga Serbisyo para pamahalaan ang ilang partikular na impormasyong magiging available sa ibang user, kabilang ang mga negosyo, na kinakausap mo.
- Ang Iyong Mga Contact at Iba Pa. Magagawa ng mga user na kinakausap mo, kabilang na ang mga negosyo, na i-store o i-reshare ang iyong impormasyon (kabilang na ang iyong numero ng telepono at mga mensahe) sa iba pa sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo. Puwede mong gamitin ang iyong mga setting sa Mga Serbisyo at ang "i-block" na feature sa aming Mga Serbisyo para kontrolin kung sino ang mga nakakausap mo sa aming Mga Serbisyo at ang ilang partikular na impormasyong ibinabahagi mo.
- Mga Negosyo sa WhatsApp. Nag-aalok kami ng mga partikular na serbisyo at feature sa mga negosyo gaya ng pagbibigay sa kanila ng mga sukatan kaugnay ng paggamit nila sa aming mga serbisyo.
- Mga Third-Party na Service Provider. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Facebook para makatulong sa pagpapagana, pagbibigay, pagpapahusay, pag-unawa, pag-customize, at pag-market sa aming Mga Serbisyo. Nakikipagtulungan kami sa mga kumpanyang ito para suportahan ang aming Mga Serbisyo, gaya ng para makapagbigay ng teknikal na imprastruktura, paghahatid, at iba pang system; para i-market ang aming Mga Serbisyo; para magsagawa ng mga survey at pananaliksik para sa amin; para protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng mga user at iba pa; at para makatulong sa serbisyo sa customer. Kapag nagbahagi kami ng impormasyon sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Facebook sa ganitong kapasidad, hinihingi namin sa kanila na gamitin ang iyong impormasyon sa ngalan namin alinsunod sa aming mga tagubilin at tuntunin. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano kami natutulungan ng Mga Kumpanya ng Facebook na paganahin at ibigay ang aming Mga Serbisyo, basahin ang "Paano Kami Nakikipagtulungan sa Iba Pang Kumpanya ng Facebook" sa ibaba. Puwede ka ring matuto pa sa aming Help Center tungkol sa kung paano kami nakikipagtulungan sa Mga Kumpanya ng Facebook.
- Mga Serbisyo ng Third-Party. Kapag gumamit ka o ang iba pa ng mga serbisyo ng third-party o iba pang Facebook Company Products na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo, puwedeng makatanggap ang mga naturang serbisyo ng third-party ng impormasyon tungkol sa kung ano ang ibinabahagi mo o ng iba sa kanila. Halimbawa, kung gumagamit ka ng serbisyo sa pag-back up ng data na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo (gaya ng iCloud o Google Drive), matatanggap nila ang impormasyong ibinabahagi mo sa kanila, gaya ng mga mensahe mo sa WhatsApp. Kung makikipag-ugnayan ka sa isang serbisyo ng third-party o ibang Facebook Company Products na naka-link sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo, gaya ng kapag ginamit mo ang in-app player para mag-play ng content mula sa isang platform ng third-party, puwedeng ibigay sa naturang third-party o Facebook Company Products ang impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng iyong IP address at ang impormasyong user ka ng WhatsApp. Pakitandaan na kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third-party o iba pang Facebook Company Products, mananaig ang kanilang sariling mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang serbisyo at produkto.
Bumalik sa itaas
Paano kami nakikipagtulungan sa Ibang Mga Kumpanya ng Facebook
Bilang bahagi ng Mga Kumpanya ng Facebook, nakakatanggap ang WhatsApp ng impormasyon mula sa, at nagbabahagi ito ng impormasyon sa, iba pang Kumpanya ng Facebook para itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at integirdad ng lahat ng Facebook Company Products, hal., para labanan ang mga spam, banta, pang-aabuso, o infringement activities.
Nakikipagtulungan din ang WhatsApp sa iba pang Kumpanya ng Facebook, at nagbabahagi rin ito ng impormasyon sa mga ito na siyang kumikilos sa ngalan namin para tulungan kaming mapagana, maibigay, mapahusay, maunawaan, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo. Kabilang dito ang pagbibigay ng imprastruktura, teknolohiya, at mga system, halimbawa, para mabigyan ka ng mabilis at maaasahang serbisyo sa messaging at tawag sa buong mundo; para mapahusay ang imprastruktura at mga system ng paghahatid; para maunawaan kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo; para tulungan kaming makapagbigay ng paraan para makakonekta ka sa mga negosyo; at para ma-secure ang aming mga system. Kapag nakatanggap kami ng mga serbisyo mula sa Mga Kumpanya ng Facebook, ang impormasyong ibinabahagi namin sa kanila ay ginagamit sa ngalan ng WhatsApp at alinsunod sa aming mga tagubilin. Ang anumang impormasyong ibinabahagi ng WhatsApp sa ganitong batayan ay hindi puwedeng gamitin para sa mga sariling layunin ng Mga Kumpanya ng Facebook.
Naglagay kami ng higit pang impormasyon sa aming Help Center tungkol sa kung paano nakikipagtulungan ang WhatsApp sa Mga Kumpanya ng Facebook.
Bumalik sa itaas
Ang Aming Legal na Batayan sa Pagpoproseso ng Data
Sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa pagprotekta ng data, may legal na batayan dapat ang mga kumpanya para magproseso ng data. Nakadepende kami sa iba't ibang legal na batayan para iproseso ang iyong data para sa iba't ibang layunin na nakasaad sa Patakaran sa Privacy na ito. Gaya ng ipinaliwang sa ibaba, depende sa sitwasyon, puwede kaming umasa sa iba't ibang legal na batayan sa pagpoproseso ng iyong data para sa iisang layunin. Para sa bawat legal na batayan sa ibaba, ilalarawan namin ang mga layunin ng aming pagpoproseso (bakit namin pinoproseso ang iyong impormasyon) at ang mga operasyon namin sa pagpoproseso (paano namin pinoproseso ang iyong data, hal., nangongolekta kami ng impormasyon mula sa iyo at ginagamit namin ito para gawin ang iyong account). Ililista rin namin ang mga kategorya ng iyong data na pinoproseso namin para sa bawat layunin.
Mayroon ka ring mga partikular na karapatang magagamit mo, depende sa legal na batayang ginagamit namin, at may paliwanag kami sa mga ito sa ibaba. Dapat mong malaman na anuman ang nakalapat na legal na batayan, palagi kang may karapatan na humingi ng access, itama, at burahin ang iyong data. Para magamit ang iyong mga karapatan, basahin ang seksyong "Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan" sa ibaba.
Kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi namin ang impormasyong nakasaad sa seksyong "Impormasyong Kinokolekta Namin":
- kapag kailangan para paganahin at maibigay ang mga serbisyo para sa messaging at komunikasyon, ayon sa nakasaad sa seksyong "Aming Mga Serbisyo" ng aming Mga Tuntunin. Alamin pa rito;
- kapag naaangkop (kabilang na kung hinihingi ng batas ang pahintulot), kung nagbigay ka ng pahintulot mo, na puwede mong bawiin anumang oras. Alamin pa rito;
- kapag kailangan para sumunod sa mga legal na obligasyon gaya ng kapag hinihingi sa amin na tumugon sa isang legal request mula sa tagapagpatupad ng batas. Alamin pa rito;
- kapag kailangan, para protektahan ang mahahalaga mong interes, o ang mga interes ng iba, gaya ng kapag may emergency kung saan may banta sa buhay mo o sa buhay ng iba. Alamin pa rito;
- kapag kailangan para sa aming mga lehitimong interes (o mga lehitimong interes ng iba), kabilang ang mga interes naming makapagbigay ng isang makabago, kapaki-pakinabang, ligtas, at mapagkakakitaang serbisyo sa aming mga user at partner, maliban na lang kung ang mga interes na iyon ay sasapawan ng iyong mga interes o pundamental na karapatan na nangangailangan ng proteksyon sa personal na data; halimbawa, para maiwasang magamit ang aming Mga Serbisyo sa mapaminsala o ilegal na aktibidad. Alamin pa rito;
- kapag kailangan ito para sa interes ng publiko. Alamin pa rito.
Puwede mong malaman dito ang higit pa tungkol sa mga paraan at layunin ng pagproseso namin ng iyong data at ang mga legal naming batayan para gawin ito.
Bumalik sa itaas
Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Impormasyon
Pagbibigay ng Mga Serbisyo Alinsunod sa Mga Tuntunin
Pinoproseso namin ang data na mayroon kami tungkol sa iyo (ayon sa nakasaad sa seksyong "Impormasyong Kinokolekta Namin") kung kailangan para maisakatuparan namin ang kontrata namin sa iyo (ang Mga Tuntunin). Ang mga kategorya ng data na ipoproseso namin ay magdedepende sa data na pipiliin mong ibigay at sa paraan ng paggamit mo sa aming Mga Serbisyo (na tutukoy sa impormasyong awtomatiko naming kokolektahin). Ang mga layunin sa pagpoproseso na kinakailangan para maibigay ang mga nakakontrata naming serbisyo ay ang mga sumusunod:
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
- Para mapagana, maibigay, mapahusay, ma-customize, at masuportahan ang aming Mga Serbisyo alinsunod sa seksyong "Aming Mga Serbisyo" ng aming Mga Tuntunin, na kinabibilangan ng pagbibigay ng mga paraan para makakonekta ka at makausap mo ang iba pang user ng WhatsApp, kabilang ang mga negosyo. Kabilang dito ang pangongolekta ng impormasyon mula sa iyo para makagawa ng WhatsApp account, pagkonekta sa iyo sa mga negosyong pwedeng makontak gamit ang WhatsApp, pagsusuri sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo, pagbibigay ng suporta sa customer bilang sagot sa isang isyu, o pagbura ng iyong data kung pipiliin mong isara ang iyong account.
- Gumagamit kami ng Metadata ng Messaging para sa pag-transmit ng komunikasyon; pagpapagana ng Mga Serbisyo, kabilang ang pangkalahatang pamamahala sa trapiko at ang pag-iwas, pag-detect, pagsisiyasat, at pagremedyo sa mga pagpalya; at para sa pagsingil, kung naaangkop.
- Para matiyak ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng pag-aksyon, halimbawa, sa mga spammer na gumagamit ng iba't ibang account. Puwedeng kabilang dito ang pag-verify sa data na ibinigay mo noong gumawa ka ng account o pagsusuri sa kahina-hinalang aktibidad kaugnay ng account mo para maiwasan ang ilegal na paggamit sa aming Mga Serbisyo.
- Gumagamit kami ng Metadata ng Messaging para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng aming Mga Serbisyo, na kinabibilangan ng availability, authenticity, integridad, at pagiging kumpidensyal ng mga ito, at sa partikular, ang pag-iwas, pag-detect, pagsisiyasat, at pagremedyo ng mga insidenteng panseguridad, kahinaan, malware, at salik na puwedeng makasama sa availability ng aming Mga Serbisyo gaya ng spam o pag-enable sa hindi awtorisadong pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo o mga device ng user. Para alamin pa, bisitahin ang page ng Seguridad sa WhatsApp.
- Para ilipat, o i-transmit, i-store o iproseso ang iyong data sa mga third country, kabilang ang Estados Unidos at iba pang bansa o teritoryo alinsunod sa ipinaliwanag sa "Ang Aming Mga Pandaigdigang Operasyon".
- Para makipag-usap sa iyo sa mga isyung nauugnay sa Mga Serbisyo, gaya ng pagpapadala sa iyo ng abiso tungkol sa isang update o para sumagot sa iyo kapag nakipag-ugnayan ka sa amin.
- Mga Ginagamit na Kategorya: Gumagamit kami ng impormasyong nakasaad sa seksyong "Impormasyong Ibinibigay Mo" ng Patakaran sa Privacy na ito para sa layuning ito.
Ang bawat isa sa mga layuning ito ay mas detalyadong ipinapaliwanag sa ilalim ng "Paano Namin Ginagamit Ang Impormasyon" at "Ang Aming Mga Pandaigdigang Operasyon". Kapag nagproseso kami ng data na ibinibigay mo sa amin ayon sa kinakailangan para maisakatuparan ang kontrata natin sa ilalim ng GDPR, may karapatan kang i-port ang iyong data. Para magamit ang iyong mga karapatan, pumunta sa seksyong "Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan" ng Patakaran sa Privacy.
Nasa ibaba ang iba pang legal na batayang inaasahan namin sa ilang partikular na pagkakataon kapag pinoproseso ang iyong data:
Iyong Pahintulot
Nagpoproseso kami ng data para sa mga layuning nakalarawan sa ibaba kapag nagbigay ka sa amin ng pahintulot na gawin ito. Nakadepende kami sa iyong pahintulot:
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
Para sa pangongolekta at paggamit sa impormasyong pinayagan mong matanggap namin sa pamamagitan ng mga setting na nasa device na ie-enable mo (gaya ng access sa iyong lokasyon, camera, o mga larawan), para maibigay namin ang mga inilalarawang serbisyo kapag na-enable mo ang mga setting; halimbawa, pagbabahagi sa eksaktong lokasyon ng iyong device kapag ginagamit mo ang aming mga feature sa lokasyon, para ibahagi ang iyong lokasyon sa mga contact mo, o pag-access sa iyong camera o gallery ng larawan kung pipiliin mong magbahagi ng mga larawan o media sa iyong mga contact.
- Mga Kategorya ng Data na Ginagamit: Gumagamit kami ng impormasyon ng device (data mula sa device gaya ng iyong lokasyon, mga larawan, at media), para sa layuning ito.
Kapag nagproseso kami ng data batay sa pahintulot mo, may karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot anumang oras nang hindi naaapektuhan ang pagiging legal ng pagpoproseso batay sa naturang pahintulot bago ito binawi. May karapatan ka ring i-port ang data na ibinibigay mo sa amin at pinoproseso namin batay sa iyong pahintulot. Para magamit ang iyong mga karapatan, bisitahin ang iyong mga setting na nasa device, ang mga setting na nasa iyong app gaya ng in-app na kontrol sa lokasyon, at ang seksyong "Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan" ng Patakaran sa Privacy na ito.
Pagsunod sa Isang Legal na Obligasyon
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
Para sa pagpoproseso ng data kapag sumusunod kami sa isang legal na obligasyon, halimbawa kung may valid na legal request para sa ilang partikular na data bilang utos mula sa tagapagpatupad ng batas para ibigay ang data kaugnay ng isang imbestigasyon, gaya ng iyong pangalan, profile picture, o IP address. Ibibigay namin ang data alinsunod sa legal na obligasyon.
Proteksyon ng Mahahalagang Interes Mo at Mahahalagang Interes ng Ibang Tao
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
Para sa pagpoproseso ng data para protektahan ang iyong mahahalagang interes o ang mahahalagang interes ng ibang tao. Kabilang sa mahahalagang interes na inaasahan namin para sa pagpoprosesong ito ang pagprotekta sa iyong buhay, pisikal na integridad, o kaligtasan, o ng iba, at umaasa kami rito para labanan ang mga nakakapinsalang gawain at para itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at integridad, kabilang, halimbawa, kapag nag-iimbestiga kami ng mga ulat ng mapaminsalang gawain o kapag kailangan ng tulong ng isang tao. Puwedeng kasama rito ang pagtataguyod ng kaligtasan, seguridad, at integridad, sa pamamagitan ng pagbibigay ng data sa mga tagapagpatupad ng batas kung may emergency kung saan hinihingi ito at kailangan ito para protektahan ang buhay o kaligtasan ng isang tao, halimbawa, kung may nakaambang mapanganib na gawain gaya ng pag-atake o kapag namemeligro ang kaligtasan ng isang tao.
Mga Lehitimong Interes
Nakadepende kami sa aming mga lehitimong interes o sa mga lehitimong interes ng third party kapag hindi matimbang ang mga ito kaysa sa iyong mga interes o pundamental na karapatan at kalayaan ("mga lehitimong interes"):
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
Para sa pagbibigay ng mga serbisyo sa pagsusukat, analytics, at iba pang serbisyo sa negosyo kung saan nagpoproseso kami ng data bilang controller.
- Mga Lehitimong Interes Kung Saan Kami Nakadepende:
- Para magbigay ng tumpak at maaasahang pinagsama-samang ulat sa mga negosyo at iba pang partner, para matiyak ang tumpak na pagpepresyo at istatistika sa performance, at para maipakita ang value na nakukuha ng aming mga partner sa paggamit ng aming Mga Serbisyo; at
- Para sa mga negosyo at iba pang partner, para tulungan silang maunawaan ang kanilang mga customer at mapahusay ang kanilang mga negosyo at ma-validate ang aming mga modelo sa pagpepresyo, at masuri ang pagiging epektibo at ang distribusyon ng kanilang mga serbisyo at mensahe, at maunawaan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa kanila gamit ang aming Mga Serbisyo.
- Mga Ginagamit na Kategorya ng Data: Gumagamit kami ng impormasyong nakasaad sa mga seksyong "Impormasyong Ibinibigay Mo," "Awtomatikong Kinokolektang Impormasyon," at "Impormasyon ng Third-Party" ng Patakaran sa Privacy na ito para sa mga layuning ito.
Para sa pagbibigay ng mga pang-marketing na komunikasyon sa iyo.
Para magbahagi ng impormasyon sa iba kabilang ang tagapagpatupad ng batas at para sumagot sa mga legal request. Basahin ang aming Patakaran sa Privacy sa ilalim ng Batas, Ang Ating Mga Karapatan At Proteksyon para sa karagdagang impormasyon.
- Mga Lehitimong Interes Kung Saan Kami Nakadepende:
- Para maiwasan at matugunan ang panloloko, hindi awtorisadong paggamit sa Facebook Company Products, mga paglabag sa aming mga tuntunin at patakaran, o iba pang mapaminsala o ilegal na aktibidad.
- Para protektahan ang aming mga sarili (kabilang ang aming mga karapatan, ari-arian, o produkto), ang aming mga user, o iba pa, kabilang na kung bahagi ito ng mga imbestigasyon o pagtatanong ng tagapagpatupad ng batas; o para maiwasan ang pagkamatay o nakaambang pinsala sa sarili.
- Mga Ginagamit na Kategorya: Gumagamit kami ng impormasyong nakasaad sa mga seksyong "Impormasyong Ibinibigay Mo," "Awtomatikong Kinokolektang Impormasyon," at "Impormasyon ng Third-Party" ng Patakaran sa Privacy na ito para sa layuning ito.
Para magbahagi ng impormasyon sa Mga Kumpanya ng Facebook para itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at integridad. Tingnan din ang "Paano Kami Nakikipagtulungan sa Iba Pang Kumpanya ng Facebook" para sa higit pang impormasyon.
May karapatan kang tanggihan at hilinging limitahin ang naturang pagpoproseso; para gamitin ang iyong mga karapatan, bisitahin ang seksyong "Paano Gamitin ang Iyong Mga Karapatan" ng Patakaran sa Privacy.
Mga Gawaing Isinasagawa para sa Pampublikong Interes
Bakit at Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Data:
Para sa pagsasagawa ng pananaliksik at para itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at integridad ayon sa mas detalyadong pagsasaad sa ilalim ng seksyong "Paano Namin Ginagamit ang Iyong Impormasyon," kapag kinakailangan ito para sa pampublikong interes, ayon sa nakasaad sa nalalapat na batas (halimbawa, sa batas ng European Union).
Gagawa kami ng mga hakbang para matiyak na bukas at malinaw kami, ayon sa kinakailangan, kapag nagproseso kami sa ganitong batayan.
Kapag pinroseso namin ang iyong data ayon sa kinakailangan para sa isang gawaing isasagawa para sa pampublikong interes, may karapatan kang tanggihan at hilinging limitahin ang aming pagpoproseso. Para magamit ang iyong mga karapatan, pumunta sa seksyong "Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan" ng Patakaran sa Privacy.
Bumalik sa itaas
Paano Mo Gagamitin ang Iyong Mga Karapatan
Sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa pagprotekta ng data, may karapatan kang i-access, itama, i-port, at burahin ang iyong impormasyon, at may karapatan ka ring limitahin at tanggihan ang ilang partikular na pagpoproseso ng iyong impormasyon.
Kasama rito ang karapatang tanggihan ang pagpoproseso namin ng iyong impormasyon para sa direktang marketing at ang karapatang tanggihan ang pagpoproseso namin ng iyong impormasyon kapag nagsasagawa kami ng gawain para sa pampublikong interes, o para isakatuparan ang mga lehitimo naming interes o ang mga lehitimong interes ng isang third party. Ikokonsidera namin ang ilang salik kapag sumusuri ng pagtutol kabilang ang: mga makatuwirang inaasahan ng aming mga user; mga pakinabang at peligro sa iyo, sa amin, sa iba pang user, at sa mga third party; at iba pang available na paraan para magawa ang parehong layunin na puwedeng hindi ganoong mapanghimasok at hindi sobrang mahirap gawin. Kikilalanin ang iyong pagtutol, at ihihinto namin ang pagpoproseso ng iyong impormasyon, maliban kung ang pagpoproseso ay nakabatay sa matitinding lehitimong dahilan o kung kailangan ito para sa mga legal na rason.
Puwede mong tutulan ang pagpoproseso namin ng iyong impormasyon at alamin pa ang tungkol sa iyong mga opsyon para limitahin ang paraan kung paano namin ginagamit ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng pagpunta rito. Kung gagamitin namin ang iyong impormasyon para sa direktang marketing, puwede kang tumutol anumang oras at mag-opt out sa mga mensahe ng direktang marketing sa hinaharap gamit ang link ng pag-unsubscribe sa mga naturang komunikasyon, o sa pamamagitan ng in-app na feature na "i-block."
Puwede mong i-access o i-port ang iyong impormasyon gamit ang aming in-app na feature na Humingi ng Impormasyon ng Account (available sa Mga Setting > Account). Puwede kang mag-access ng mga tool para itama, i-update, at burahin ang iyong impormasyon nang direkta sa app ayon sa nakasaad sa seksyong "Pamamahala at Pagpapanatili sa Iyong Impormasyon."
Kapag pinroseso namin ang data na ibibigay mo sa amin batay sa pahintulot mo, may karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot anumang oras nang hindi naaapektuhan ang pagiging legal ng pagpoproseso batay sa pahintulot bago ito binawi. Para bawiin ang iyong pahintulot, bisitahin ang mga setting na nasa iyong device o app.
May karapatan kang maghain ng reklamo sa pangunahing awtoridad na sumusubaybay sa WhatsApp, ang Irish Data Protection Commission, o anumang iba pang may kakayahang awtoridad na sumusubaybay sa pagprotekta ng data.
Bumalik sa itaas
Pamamahala at Pagpapanatili sa Iyong Impormasyon
Nagso-store kami ng impormasyon hangga't kinakailangan para sa mga layuning isinaad sa Patakaran sa Privacy, kabilang ang pagbibigay sa aming Mga Serbisyo, o para sa iba pang lehitimong layunin, gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, pagpapatupad sa aming Mga Tuntunin at pagpigil sa mga paglabag sa mga ito, o pagprotekta o pagtatanggol sa aming mga karapatan, ari-arian, at mga user. Ang tagal ng pagso-store ay tinutukoy ayon sa sitwasyon na nakadepende sa mga salik gaya ng katangian ng impormasyon, bakit ito kinokolekta at pinoproseso, mga may kaugnayang legal o pang-operasyong pangangailangan sa pagpapanatili, at mga legal na obligasyon.
Mga Legal na Obligasyon at Isyu. Halimbawa, pinapanatili rin namin ang iyong impormasyon para sa mga legal na dahilan gaya ng kapag may legal kaming obligasyon na magpanatili ng data, para ipatupad ang aming Mga Tuntunin at mapigilan ang paglabag sa mga ito, o kung kinakailangan, para protektahan ang mga karapatan, ari-arian, at mga user. Naglalaman ang aming seksyong "Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan at Proteksyon" ng higit pang impormasyon.
Mga Pang-operasyong Pangangailangan sa Pagpapanatili. Halimbawa, hindi namin pinapanatili ang iyong mga mensahe kapag ibinigay ang aming Mga Serbisyo (maliban sa mga limitadong sitwasyong nakasaad sa itaas), kaya kapag naipadala na ang iyong mga mensahe, buburahin na ang mga ito sa aming mga server. Gayunpaman, gaya ng nakasaad sa itaas, kung hindi agad maihahatid ang isang mensahe, itatabi namin ito sa encrypted na anyo sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan naming ihatid ito, at pagkatapos ay saka ito buburahin.
Pagbura ng Metadata ng Messaging. Binubura o ginagawang anonymous ang Metadata ng Messaging kapag hindi na ito kailangan sa pag-transmit ng komunikasyon, pagpapatakbo sa aming Mga Serbisyo, pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng aming Mga Serbisyo, pagsingil (kapag naaangkop), o pagsunod sa mga legal na obligasyon sa ilalim ng nalalapat na batas.
Kung gusto mong mas pamahalaan, baguhin, limitahan, o burahin ang iyong impormasyon, magagawa mo ang mga iyon gamit ang mga sumusunod na tool:
- Mga Setting ng Mga Serbisyo. Puwede mong baguhin ang mga setting ng iyong Mga Serbisyo para pamahalaan ang ilang partikular na impormasyong available sa iba pang user. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga contact, grupo, at broadcast list, o gamitin ang aming feature na "i-block" para pamahalaan kung sino ang makakausap mo sa aming Mga Serbisyo.
- Pagpapalit ng Numero ng Mobile Phone Mo, Pangalan sa Profile at Profile Picture, at Impormasyon "Tungkol sa Iyo." Kung babaguhin mo ang numero ng mobile phone mo, kinakailangan mo itong i-update gamit ang aming in-app na feature sa pagpapalit ng numero at kinakailangan mong ilipat ang iyong account sa bago mong numero ng mobile phone. Puwede mo ring baguhin ang pangalan ng iyong profile, profile picture, at impormasyon "tungkol sa iyo" anumang oras.
- Pagbura sa Iyong WhatsApp Account. Puwede mong burahin ang iyong WhatsApp account anumang oras gamit ang aming in-app na feature na burahin ang aking account. Kapag sinimulan mo ang proseso ng pagbura ng iyong account, hindi na magagamit ang account na iyon (ibig sabihin, hindi ka na pwedeng mag-log in o magrehistro ulit).
Ano ang Mangyayari sa Iyong Impormasyon Kapag Nabura Mo ang Iyong Account?
Kapag nabura mo na ang iyong WhatsApp account, buburahin namin ang impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo, maliban sa mga impormasyong nakalista sa itaas na pinapanatili namin sa mga limitadong pagkakataon.
Naburang Impormasyon. Mabubura sa aming mga server ang iyong mga hindi naihatid na mensahe, ang impormasyon ng account mo, at ang profile photo mo. Aalisin ka sa lahat ng grupo sa WhatsApp. Tandaan na tumatagal nang hanggang 90 araw mula noong sinimulan ang proseso ng pagbura bago mabura ang impormasyon mo sa WhatsApp. Pagkalipas ng 90 araw, puwede ring manatili ang mga kopya ng iyong impormasyon sa loob ng limitadong panahon sa backup na storage na ginagamit namin para mag-recover ng nawalang data kung sakaling magkakaroon ng sakuna, error sa software, o iba pang pagkawala ng data.
Impormasyong Pinapanatili Namin
- Sa ilang partikular na sitwasyon, para mapanatili ang seguridad ng aming Mga Serbisyo, kailangan naming magpanatili ng ilang partikular na log na sinusuri namin pagkalampas ng karaniwang tagal ng pagpapanatili para suriin/imbestigahan ang isang panseguridad na insidente o kahinaan.
- Ang mga kopya ng ilang materyal, gaya ng ilang partikular na record ng log, ay mananatili sa aming database pero walang iuugnay na mga personal na identifier at hindi na iuugnay sa iyong account. Para hindi na maiugnay ang data na ito sa iyong account, pinapalitan namin ang user identifier ng random na pamalit para hindi na ito ma-link ulit sa account mo.
- Puwede rin kaming magpanatili ng mga kopya ng ilang partikular na impormasyon gaya ng kapag may legal kaming obligasyon na magpanatili ng data, para ipatupad ang aming Mga Tuntunin at mapigilan ang paglabag sa mga ito, o kung kinakailangan, para protektahan ang aming mga karapatan, ari-arian, at mga user. Naglalaman ang aming seksyong "Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan at Proteksyon" ng higit pang impormasyon.
Tandaan na kung sa device mo lang buburahin ang WhatsApp app nang hindi ginagamit ang aming in-app na feature na burahin ang aking account, iso-store namin ang iyong impormasyon nang mas matagal. Pakitandaan na kung buburahin mo ang iyong account, hindi ito makakaapekto sa iyong impormasyon kaugnay ng mga grupong ginawa mo o sa impormasyong iniuugnay sa iyo ng iba pang user, gaya ng kanilang kopya ng mga mensaheng ipinadala mo sa kanila.
Puwede mong alamin pa ang tungkol sa mga kasanayan at kagawian namin sa pagbura at pagpapanatili ng data at tungkol sa kung paano buburahin ang iyong account sa aming mga artikulo ng Help Center para sa Android, iPhone, o KaiOS.
Bumalik sa itaas
Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan at Proteksyon
Ina-access, pinapanatili, at ibinabahagi namin ang iyong impormasyon na nakalarawan sa seksyong "Impormasyong Kinokolekta Namin," kabilang ang pagbabahagi sa mga regulator, tagapagpatupad ng batas, iba pang ahensyang pampamahalaan, mga partner sa industriya, at iba pa alinsunod sa seksyong "Ang Aming Legal na Batayan sa Pagpoproseso ng Data" kung may good-faith belief kami na kinakailangan ito para: (a) tumugon alinsunod sa naaangkop na batas o mga regulasyon, legal na proseso, o mga government request; (b) ipatupad ang aming Mga Tuntunin at anumang iba pang nalalapat na tuntunin at patakaran, kabilang na ang para sa mga pag-iimbestiga ng mga posibleng paglabag; (c) tukuyin, imbestigahan, maiwasan, o tugunan ang panloloko at iba pang ilegal na aktibidad o mga panseguridad at teknikal na isyu; o (d) protektahan ang mga karapatan, ari-arian, at kaligtasan ng aming mga user, ng WhatsApp, Mga Kumpanya ng Facebook, o iba pa, kabilang na ang pag-iwas sa pagkamatay o nakaambang pinsala sa katawan.
Ang higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang legal na batayan kung saan kami nakaasa para isagawa ang pagpoprosesong ito depende sa mga sitwasyon ay nakalagay sa seksyong "Ang Aming Legal na Batayan para sa Pagpoproseso ng Data," kabilang ang nasa ilalim ng mga heading na "Pagbibigay ng Mga Serbisyo Alinsunod sa Mga Tuntunin," "Mga Lehitimong Interes," at "Mahahalagang Interes."
Bumalik sa itaas
Ang Aming Operasyon sa Buong Mundo
Nagbabahagi ng impormasyon ang WhatsApp sa buong mundo, sa paraang internal sa loob ng Mga Kumpanya ng Facebook, at sa paraang external sa aming mga partner at sa mga kausap mo sa buong mundo alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito at sa aming Mga Tuntunin.
Ang impormasyong kontrolado ng WhatsApp ay ililipat o ita-transmit, o iso-store at ipoproseso, sa Estados Unidos o iba pang bansa sa labas ng bansa kung saan ka nakatira para sa mga layuning nakasaad sa Patakaran sa Privacy na ito. Ginagamit ng WhatsApp ang imprastruktura at mga data centre ng Facebook sa buong mundo, kabilang ang mga nasa Estados Unidos.
Kinakailangan at mahalaga ang mga paglilipat na ito para bigyang-daan kami na maibigay ang Mga Serbisyong nakasaad sa Mga Tuntunin at para mapagana at maibigay namin ang aming Mga Serbisyo sa iyo sa buong mundo. Para sa mga paglilipat sa iba pang bansa, gumagamit kami ng mga standard na kontraktwal na sugnay na aprubado ng European Commission (tingnan dito ang paliwanag tungkol sa kung ano ang mga ito), o nakadepende kami sa mga adequacy decision ng European Commission tungkol sa ilang partikular na bansa, kung saan kinikilala ng European Commission na tinitiyak ng iba pang bansa, teritoryo, o ng isa o higit pang tinukoy na sektor na nasa pangatlong bansang iyon na may sapat itong antas ng proteksyon, o gumagamit ito ng mga katumbas na mekanismong inilaan sa ilalim ng nalalapat na batas para sa proteksyon ng data, ayon sa naaangkop. Para sa mga paglilipat ng data mula sa European Economic Area papunta sa Estados Unidos, nakadepende kami sa mga standard na kontraktwal na sugnay.
Bumalik sa itaas
Mga Update sa Aming Patakaran
Puwede naming baguhin o i-update ang aming Patakaran sa Privacy. Bibigyan ka namin ng abiso ng mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito, kung naaangkop, at ia-update namin ang petsang "Huling binago" sa itaas ng Patakaran sa Privacy na ito. Regular na pakibalikan ang aming Patakaran sa Privacy.
Bumalik sa itaas
Makipag-ugnayan sa Amin
Makokontak dito ang Data Protection Officer ng WhatsApp.
Kung may mga tanong ka tungkol sa aming Patakaran sa Privacy, mangyaring makipag-ugnayan sa amin o sulatan kami rito:
WhatsApp Ireland Limited
Attn: Privacy Policy
4 Grand Canal Square
Grand Canal Harbour
Dublin 2
Ireland
Bumalik sa itaas