Legal na Impormasyon tungkol sa WhatsApp
Kung nakatira ka sa labas ng European Region o UK, ibinibigay sa iyo ng WhatsApp LLC ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") ang aming Mga Serbisyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito.
Nakakatulong ang aming Patakaran sa Privacy ("Patakaran sa Privacy") para maipaliwanag ang aming mga kasanayan at kagawian sa data, kabilang ang impormasyong pinoproseso namin para maibigay ang aming Mga Serbisyo.
Halimbawa, nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy kung ano ang impormasyong kinokolekta namin at kung paano ito nakakaapekto sa iyo. Ipinapaliwanag din nito ang mga hakbang na isinasagawa namin para protektahan ang iyong privacy, gaya ng pagbuo sa aming Mga Serbisyo sa paraan kung saan ang mga inihahatid na mensahe ay hindi namin maso-store at pagbibigay sa iyo ng kontrol sa kung sino ang makakausap sa aming Mga Serbisyo.
Isa kami sa Mga Kumpanya ng Meta. Puwede mong malaman sa ibaba ng Patakaran sa Privacy na ito ang higit pa tungkol sa mga paraan kung paano kami nagbabahagi ng impormasyon sa grupo ng mga kumpanyang ito.
Nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng aming Serbisyo, maliban na lang kung iba ang nakasaad.
Pakibasa rin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin") ng WhatsApp, na naglalarawan sa mga tuntunin na sumasaklaw sa paggamit mo at pagbibigay namin ng aming Mga Serbisyo.
Bumalik sa itaas
Mga Pangunahing Update
Nasa DNA namin ang paggalang sa iyong privacy. Simula noong sinimulan namin ang WhatsApp, binuo namin ang aming mga serbisyo nang may pagsasaalang-alang sa isang hanay ng mahihigpit na prinsipyo sa privacy. Sa aming na-update na Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy, makikita mo ang mga sumusunod:
- Karagdagang Impormasyon sa Kung Paano Namin Pinapangasiwaan ang Iyong Data. Nagbibigay ang na-update naming Mga Tuntunin at Patakaran sa Privacy ng higit pang impormasyon sa kung paano namin pinoproseso ang iyong data, at ang pagtuon namin sa privacy. Halimbawa, nagdagdag kami ng higit pang impormasyon tungkol sa mas bagong mga feature at functionality ng produkto, paano namin pinoproseso ang iyong data para sa kaligtasan, seguridad, at integridad, at nagdagdag kami ng higit pang direktang link ng aming mga setting para sa user, mga artikulo ng Help Center, at kung paano mo papamahalaan ang iyong impormasyon.
- Mas Magandang Komunikasyon sa Mga Negosyo. Maraming negosyo ang umaasa sa WhatsApp para makipag-usap sa kanilang mga customer at kliyente. Nakikipagtulungan kami sa mga negosyong gumagamit ng Meta o mga third party para tumulong sa pag-store at mas mahusay na pamamahala sa kanilang mga komunikasyon sa iyo sa WhatsApp.
- Ginagawang Mas Madali ang Pagkonekta. Bilang bahagi ng Mga Kumpanya ng Meta, nakikipag-partner ang WhatsApp sa Meta para makapagbigay ng mga karanasan at integration sa grupo ng mga app at produkto ng Meta.
Bumalik sa itaas
Impormasyong Kinokolekta Namin
Kinakailangang tumanggap at mangolekta ang WhatsApp ng ilang impormasyon para patakbuhin, ibigay, mapahusay, maunawaan, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang pag-install, pag-access, at paggamit mo sa aming Mga Serbisyo.
Ang mga uri ng impormasyong tatanggapin at kokolektahin namin ay nakadepende sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo. Nangangailangan kami ng ilang partikular na impormasyon para maihatid ang aming Mga Serbisyo, at kung wala ang mga ito, hindi namin maibibigay sa iyo ang Mga Serbisyo. Halimbawa, kinakailangang mong ibigay ang numero ng mobile phone mo para gumawa ng account para magamit ang aming Mga Serbisyo.
May mga opsyonal na feature ang aming Mga Serbisyo na kung gagamitin mo ay mangangailangan sa amin na mangolekta ng mga dagdag na impormasyon para maibigay ang mga naturang feature. Aabisuhan ka tungkol sa ganoong pangongolekta, kung naaangkop. Kung hindi mo pipiliing ibigay ang impormasyong kailangan para makagamit ng isang feature, hindi mo magagamit ang feature. Halimbawa, hindi mo maibabahagi ang iyong lokasyon sa mga contact mo kung hindi mo papayagang kolektahin ang data ng lokasyon mo mula sa iyong device. Mapapamahalaan ang mga pahintulot sa pamamagitan ng iyong menu na Settings sa mga Android at iOS device.
Impormasyong Ibinibigay Mo
- Impormasyon ng Account Mo. Kinakailangan mong ibigay ang numero ng mobile phone mo at mga basic na impormasyon (kabilang ang pinili mong pangalan ng profile) para makagawa ng WhatsApp account. Kung hindi mo ibibigay sa amin ang naturang impormasyon, hindi ka makakagawa ng account para magamit ang aming Mga Serbisyo. Puwede kang magdagdag ng iba pang impormasyon sa iyong account, gaya ng profile picture at impormasyon "tungkol sa iyo."
- Mga Mensahe Mo. Hindi namin pinapanatili ang iyong mga mensahe sa karaniwang proseso ng pagbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo. Sa halip, sa device mo naka-store ang iyong mga mensahe at hindi karaniwang sino-store ang mga ito sa aming mga server. Kapag naihatid na ang iyong mga mensahe, buburahin ang mga ito sa aming mga server. Inilalarawan ng mga sumusunod na senaryo ang mga pagkakataon kung kailan puwede naming i-store ang iyong mga mensahe sa proseso ng paghahatid sa mga ito:
- Mga Hindi Naihatid na Mensahe. Kung hindi agad maihahatid ang isang mensahe (halimbawa, offline ang tatanggap), itatabi namin ito sa encrypted na anyo sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan naming ihatid ito. Kung hindi pa rin maihahatid ang isang mensahe pagkalipas ng 30 araw, buburahin namin ito.
- Pag-forward ng Media. Kapag nag-forward ang isang user ng media sa loob ng isang mensahe, pansamantala naming sino-store ang media na iyon sa encrypted na anyo sa aming mga server para makatulong sa mas epektibong pagpapadala ng mga karagdagang ifo-forward.
Nag-o-offer kami ng magkabilaang encryption para sa aming Mga Serbisyo. Sa magkabilaang encryption, encrypted ang iyong mga mensahe para magbigay ng proteksyon na hindi namin mabasa o ng mga third party ang mga ito. Alamin pa ang tungkol sa magkabilaang encryption at kung paano nakikipag-usap ang mga negosyo sa iyo sa WhatsApp.
- Mga Koneksyon Mo. Puwede mong gamitin ang contact upload feature, at kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede mong ibigay sa amin nang regular ang mga numero ng telepono na nasa iyong address book, kabilang na ang sa mga user ng aming Mga Serbisyo at iba mo pang contact. Kung may sinuman sa mga contact mo na hindi pa gumagamit ng aming Mga Serbisyo, papamahalaan namin ang impormasyong ito para sa iyo sa paraang titiyak na hindi namin makikilala ang mga contact na iyon. Alamin pa ang tungkol sa aming contact upload feature dito. Puwede kang gumawa, sumali, o maidagdag sa mga group at broadcast list, at maiuugnay sa impormasyon ng account mo ang mga naturang group at list. Papangalanan mo ang iyong mga group. Puwede kang magbigay ng profile picture o deskripsyon ng group.
- Impormasyon sa Status. Puwede mong ibigay sa amin ang iyong status kung gusto mong maglagay nito sa iyong account. Alamin kung paano gumamit ng status sa Android, iPhone, o KaiOS.
- Data ng Mga Transaksyon at Pagbabayad. Kung gagamitin mo ang aming mga serbisyo sa pagbabayad, o kung gagamitin mo ang aming Mga Serbisyo na para sa mga pagbili o iba pang pinansyal na transaksyon, nagpoproseso kami ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa iyo, kabilang ang account sa pagbabayad at impormasyon ng transaksyon. Kabilang sa impormasyon ng account sa pagbabayad at transaksyon ang mga impormasyong kailangan para makumpleto ang transaksyon (halimbawa, impormasyon tungkol sa iyong paraan ng pagbabayad, mga detalye ng pagpapadala, at halaga ng transaksyon). Kung gagamitin mo ang aming mga serbisyo sa mga pagbabayad na available sa iyong bansa o teritoryo, nakasaad ang aming mga kasanayan at kagawian sa privacy sa mga nalalapat na patakaran sa privacy sa mga pagbabayad.
- Customer Support At Iba Pang Komunikasyon. Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin para sa customer support o kapag nakipag-ugnayan ka sa amin para sa ibang dahilan, puwede kang magbigay sa amin ng impormasyong nauugnay sa paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang mga kopya ng iyong mga mensahe, at anumang iba pang impormasyon na sa tingin mo ay makakatulong, at kung paano ka makokontak (hal., email address). Halimbawa, puwede kang magpadala sa amin ng email na naglalaman ng impormasyong nauugnay sa performance ng app o iba pang isyu.
Impormasyong Awtomatikong Kinokolekta
- Impormasyon ng Paggamit at Log. Nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa aming Mga Serbisyo, gaya ng impormasyong nauugnay sa serbisyo, diagnostic na impormasyon, at impormasyon tungkol sa performance. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad (kasama kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo, ang mga setting ng Mga Serbisyo mo, paano ka nakikipag-ugnayan sa iba gamit ang aming Mga Serbisyo (kasama na kapag nakikipag-ugnayan ka sa isang negosyo), at ang oras, dalas, at tagal ng mga aktibidad at interaksyon mo), mga log file, at mga diagnostic na log at ulat , at mga log at ulat ng pag-crash, website, at performance. Kabilang din dito ang impormasyon tungkol sa kung kailan ka nagparehistro para magamit ang aming Mga Serbisyo; mga feature na ginagamit mo gaya ng aming messaging, pagtawag, Status, mga group (kabilang ang pangalan ng group, larawan ng group, deskripsyon ng group), mga pagbabayad, o mga feature ng negosyo, profile photo, impormasyon "tungkol sa iyo"; kung online ka o hindi; kailan mo huling ginamit ang aming Mga Serbisyo (kung kailan ka "huling nakita"); at kung kailan mo huling na-update ang impormasyon "tungkol sa iyo."
- Impormasyon ng Device at Koneksyon. Nangongolekta kami ng impormasyong partikular tungkol sa device at koneksyon kapag nag-install, nag-access, o gumamit ka ng aming Mga Serbisyo. Kasama rito ang mga impormasyon gaya ng hardware model, impormasyon ng operating system, level ng baterya, lakas ng signal, bersyon ng app, impormasyon ng browser, mobile network, impormasyon ng koneksyon (kabilang ang numero ng telepono, mobile operator o ISP), wika at time zone, IP address, impormasyon ng mga operation ng device, at mga identifier (kabilang ang mga identifier na natatangi sa Mga Produkot ng Kumpanya ng Meta na nauugnay sa parehong device o account).
- Impormasyon ng Lokasyon. Nangongolekta at gumagamit kami ng impormasyon ng eksaktong lokasyon mula sa iyong device nang may pahintulot mo kapag pinili mong gumamit ng mga feature na nauugnay sa lokasyon, gaya ng kapag nagpasya kang ibahagi ang iyong lokasyon sa iyong mga contact o tingnan ang mga lokasyon sa malapit o mga lokasyong ibinahagi sa iyo. May ilang partikular na setting na nauugnay sa impormasyong may kaugnayan sa lokasyon na puwede mong mahanap sa mga setting ng device mo o sa mga in-app na setting, gaya ng pagbabahagi ng lokasyon. Kahit na hindi mo gamitin ang aming mga feature na may kaugnayan sa lokasyon, gumagamit kami ng mga IP address at iba pang impormasyon gaya ng mga area code ng numero ng telepono para tantyahin ang pangkalahatan mong lokasyon (hal., lungsod at bansa). Ginagamit din namin ang impormasyon ng lokasyon mo para sa diagnostics at pag-troubleshoot.
- Mga Cookie. Gumagamit kami ng mga cookie para paganahin at maibigay ang aming Mga Serbisyo, kasama na ang pagbibigay ng aming mga web-based na Serbisyo, pagpapaganda sa iyong mga karanasan, pag-unawa sa kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo, at pag-customize sa mga ito. Halimbawa, gumagamit kami ng mga cookie para ibigay ang aming Mga Serbisyo para sa web at desktop at iba pang web-based na serbisyo. Puwede rin kaming gumamit ng mga cookie para maunawaan kung alin sa mga artikulo ng aming Help Center ang pinakasikat at para pakitaan ka ng mga kapaki-pakinabang na content na may kaugnayan sa aming Mga Serbisyo. Puwede rin kaming gumamit ng mga cookie para maalala ang mga opsyon mo, gaya ng mga kagustuhan mo sa wika, para makapagbigay ng mas ligtas na karanasan, at para ma-customize namin ang aming Mga Serbisyo para sa iyo. Alamin pa kung paano kami gumagamit ng mga cookie para maibigay sa iyo ang aming Mga Serbisyo.
Bumalik sa itaas
Impormasyon ng Third-Party
- Impormasyong Ibinibigay ng Iba Tungkol sa Iyo. Nakakatanggap kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa ibang user. Halimbawa, kapag may kakilala kang ibang user na gumagamit ng aming Mga Serbisyo, puwede nilang ibigay ang iyong numero ng telepono, pangalan, at iba pang impormasyon (gaya ng impormasyon mula sa kanilang address book sa mobile), at magagawa mo rin ito sa kanila. Puwede ka rin nilang padalhan ng mga mensahe, puwede rin silang magpadala ng mga mensahe sa mga group na kinabibilangan mo, o puwede ka nilang tawagan. Hinihiling namin sa bawat isa sa mga user na ito na magkaroon ng mga karapatan ayon sa batas na kolektahin, gamitin, at ibahagi ang iyong impormasyon bago magbigay sa amin ng anumang impormasyon.
Dapat mong tandaan na sa pangkalahatan ang sinumang user ay puwedeng kunan ng mga screenshot ang iyong mga chat o mensahe o i-record ang mga tawag mo sa kanila at ipadala ang mga ito sa WhatsApp o sa ibang tao, o i-post ang mga ito sa ibang platform.
- Mga Ulat ng User. Tulad din ng kakayahan mong maiulat ang iba, puwede ring iulat ng iba pang user o third party ang mga interaksyon at mensahe mo sa kanila o sa aming Mga Serbisyo; halimbawa, para mag-ulat ng mga posibleng paglabag sa aming Mga Tuntunin o patakaran. Kapag may isinagawang ulat, nangongolekta kami ng impormasyon sa nag-uulat at iniuulat na user. Para malaman ang higit pa tungkol sa kung ano ang nangyayari kapag nag-ulat ang isang user, pakitingnan ang Mga Advanced na Feature para sa Kaligtasan at Seguridad.
- Mga Negosyo sa WhatsApp. Ang mga negosyong kinakausap mo gamit ang aming Mga Serbisyo ay puwedeng magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga interaksyon nila sa iyo. Hinihling namin sa bawat isa sa mga negosyong ito na kumilos nang alinsunod sa naaangkop na batas kapag nagbibigay sa amin ng anumang impormasyon.
Kapag nagpadala ka ng mensahe sa isang negosyo sa WhatsApp, tandaan na maaaring makita ng maraming tao na nasa negosyong iyon ang content na ibabahagi mo. Bilang karagdagan, puwedeng nakikipagtulungan ang ilang negosyo sa mga third-party na service provider (na posibleng kinabibilangan ng Meta) para makatulong sa pamamahala sa kanilang mga komunikasyon sa kanilang mga customer. Halimbawa, ang isang negosyo ay puwedeng magbigay sa naturang third-party na service provider ng access sa mga komunikasyon nito para ipadala, i-store, basahin, pamahalaan, o kaya ay iproseso ang mga ito para sa negosyo. Para maunawaan kung paano pinoproseso ng isang negosyo ang iyong impormasyon, kasama na kung paano nito posibleng ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party o sa Meta, dapat mong basahin ang patakaran sa privacy ng negosyong iyon o dapat kang makipag-ugnayan nang direkta sa negosyo.
- Mga Third-Party na Service Provider. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta para makatulong sa pagpapagana, pagbibigay, pagpapahusay, pag-unawa, pag-customize, at pag-market sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, nakikipagtulungan kami sa kanila para maipamahagi ang aming mga app; maibigay ang aming teknikal at pisikal na infrastructure, paghahatid, at iba pang mga system; makapagbigay ng suporta sa engineering, suporta sa cybersecurity, at suporta sa pagpapatakbo; makapag-supply ng impormasyon tungkol sa lokasyon, mapa, at mga lugar; magproseso ng mga pagbabayad; matulungan kami sa pag-unawa sa kung paano ginagamit ng mga tao ang aming Mga Serbisyo; ma-market ang aming Mga Serbisyo; tulungan kang makakonekta sa mga negosyo gamit ang aming Mga Serbisyo; magsagawa ng mga survey at pananaliksik para sa amin; siguraduhin ang kaligtasan, seguridad, at integridad; at makatulong sa customer service. Maaari kaming bigyan ng mga kumpanyang ito ng impormasyon tungkol sa iyo sa ilang pangyayari; halimbawa, maaari kaming bigyan ng mga app store ng mga ulat na tutulong sa aming ma-diagnose at maayos ang mga isyu sa serbisyo.
Ang seksyon sa ibaba na "Paano Kami Nakikipagtulungan sa Iba Pang Kumpanya ng Meta" ay nagbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano kinokolekta at ibinabahagi ng WhatsApp ang impormasyon sa iba pang Mga Kumpanya ng Meta.
- Mga Serbisyo ng Third-Party. Pinapayagan ka naming gamitin ang aming Mga Serbisyo kaugnay ng mga serbisyo ng third-party at Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta. Kung gagamitin mo ang aming Mga Serbisyo sa mga naturang serbisyo ng third-party o Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, puwede kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa kanila; halimbawa, kung gagamitin mo ang WhatsApp share button sa isang news service para magbahagi ng artikulo ng balita sa iyong mga contact, grupo, o broadcast list sa WhatsApp sa aming Mga Serbisyo, o kung pipiliin mong i-access ang aming Mga Serbisyo sa pamamagitan ng promosyon ng isang mobile carrier o provider ng device sa aming Mga Serbisyo. Pakitandaan na kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third-party o iba pang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, mananaig ang kanilang mga sariling tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang serbisyo at produkto.
Bumalik sa itaas
Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (alinsunod sa mga opsyong pipiliin mo at sa naaangkop na batas) para patakbuhin, ibigay, mapaganda, unawain, i-customize, suportahan, at i-market ang aming Mga Serbisyo. Narito kung paano:
- Ang Aming Mga Serbisyo. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang pagbibigay ng suporta sa customer; pagkumpleto sa mga pagbili o transaksyon; pagpapahusay, pag-aayos, at pag-customize sa aming Mga Serbisyo; at pagkonekta ng aming Mga Serbisyo sa Mga Produkto ng Kumpanya ng Facebook na puwede mong gamitin. Ginagamit din namin ang impormasyong mayroon kami para maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang aming Mga Serbisyo; masuri at mapahusay ang aming Mga Serbisyo; manaliksik, mag-develop, at mag-test ng mga bagong serbisyo at feature; at magsagawa ng mga pag-troubleshoot. Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para sumagot sa iyo kapag nakipag-ugnayan ka sa amin.
- Kaligtasan, Seguridad, at Integridad. Mahalagang bahagi ng aming Mga Serbisyo ang kaligtasan, seguridad, at integridad. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para mag-verify ng mga account at aktibidad; labanan ang mapaminsalang gawain; protektahan ang mga user laban sa masasamang karanasan at spam; at magtaguyod ng kaligtasan, seguridad, at integridad sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo, gaya ng sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng kahina-hinalang aktibidad o mga paglabag sa aming Mga Tuntunin at patakaran, at para matiyak na ginagamit sa legal na paraan ang aming Mga Serbisyo. Pakitingnan ang seksyong Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan at Proteksyon para sa higit pang impormasyon.
- Mga Komunikasyon Tungkol sa Aming Mga Serbisyo At Ang Mga Kumpanya ng Meta. Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami para makipag-usap sa iyo tungkol sa aming Mga Serbisyo at maipaalam sa iyo ang tungkol sa aming mga tuntunin, patakaran, at iba pang mahahalagang update. Puwede naming i-market sa iyo ang aming Mga Serbisyo at ang mga serbisyo ng Mga Kumpanya ng Meta.
- Bawal ang Mga Banner Ad ng Third-Party. Hindi pa rin namin pinapayagan ang mga banner ad ng third-party sa aming Mga Serbisyo. Wala kaming planong ipasok ang mga ito, pero kung sakali man, ia-update namin ang Patakaran sa Privacy na ito.
- Mga Interaksyon sa Negosyo. Binibigyang-daan ka namin at ang mga third party, gaya ng mga negosyo, na makipag-usap at makipag-ugnayan sa isa't isa gamit ang aming Mga Serbisyo, gaya ng Mga Catalog para sa mga negosyo sa WhatsApp kung saan puwede kang mag-browse ng mga produkto at serbisyo at mag-order. Puwede kang padalhan ng mga negosyo ng mga abiso tungkol sa transaksyon, appointment, at shipping; mga update sa produkto at serbisyo; at marketing. Halimbawa, puwede kang makatanggap ng impormasyon tungkol sa status ng flight para sa nalalapit na biyahe, resibo ng binili mo, o abiso kung kailan makakarating ang isang delivery. Ang mga mensaheng matatanggap mo mula sa isang negosyo ay puwedeng maglaman ng alok para sa isang bagay na puwede mong magustuhan. Ayaw naming puro spam ang makita mo; gaya ng lahat ng mensahe mo, puwede mong pamahalaan ang mga komunikasyong ito, at kikilalanin namin ang mga opsyong pipiliin mo.
Bumalik sa itaas
Impormasyong Ibinabahagi Mo At Namin
Ibinabahagi mo ang iyong impormasyon habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo at nakikipag-usap ka gamit ang mga ito, at ibinabahagi namin ang iyong impormasyon para tulungan kaming paganahin, ibigay, mapahusay, ma-customize, masuportahan, at ma-market ang aming Mga Serbisyo.
- Ipadala ang Iyong Impormasyon sa Mga Pinili Mong Kausapin. Ibinabahagi mo ang iyong impormasyon (kabilang ang mga mensahe) habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo at nakikipag-usap ka gamit ang mga ito.
- Impormasyong Nauugnay sa Iyong Account. Available sa sinumang gumagamit ng aming Mga Serbisyo ang iyong numero ng telepono, pangalan sa profile at profile photo, impormasyon "tungkol sa iyo", kung kailan ka huling nakita, at mga resibo ng mensahe, bagama't puwede mong i-configure ang mga setting ng iyong Mga Serbisyo para pamahalaan ang ilang partikular na impormasyong magiging available sa ibang user, kabilang ang mga negosyo, na kinakausap mo.
- Ang Iyong Mga Contact at Iba Pa. Magagawa ng mga user na kinakausap mo, kabilang ang mga negosyo, na i-store o i-reshare ang iyong impormasyon (kabilang ang iyong numero ng telepono at mga mensahe) sa iba pa sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo. Puwede mong gamitin ang iyong mga setting sa Mga Serbisyo at ang “i-block” na feature sa aming Mga Serbisyo para kontrolin kung sino ang mga nakakausap mo sa aming Mga Serbisyo at ang ilang partikular na impormasyong ibinabahagi mo.
- Mga Negosyo sa WhatsApp. Nag-aalok kami ng mga partikular na serbisyo sa mga negosyo gaya ng pagbibigay sa kanila ng mga sukatan kaugnay ng paggamit nila sa aming Mga Serbisyo.
- Mga Third-Party na Service Provider. Nakikipagtulungan kami sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta para makatulong sa pagpapagana, pagbibigay, pagpapahusay, pag-unawa, pag-customize, at pag-market sa aming Mga Serbisyo. Nakikipagtulungan kami sa mga kumpanyang ito para suportahan ang aming Mga Serbisyo, gaya ng para makapagbigay ng teknikal na infrastructure, paghahatid, at iba pang system; para i-market ang aming Mga Serbisyo; para magsagawa ng mga survey at pananaliksik para sa amin; para protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng mga user at iba pa; at para makatulong sa customer service. Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa mga third-party na service provider at iba pang Mga Kumpanya ng Meta sa ganitong kapasidad, hinihingi namin sa kanila na gamitin ang iyong impormasyon sa ngalan namin alinsunod sa aming mga tagubilin at tuntunin.
- Mga Serbisyo ng Third-Party. Kapag gumamit ka o ang iba pa ng mga serbisyo ng third-party o iba pang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo, puwedeng makatanggap ang mga serbisyo ng third-party ng impormasyon tungkol sa kung ano ang ibinabahagi mo o ng iba sa kanila. Halimbawa, kung gumagamit ka ng serbisyo sa pag-back up ng data na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo (gaya ng iCloud o Google Account), matatanggap nila ang impormasyong ibinabahagi mo sa kanila, gaya ng mga mensahe mo sa WhatsApp. Kung makikipag-ugnayan ka sa isang serbisyo ng third-party o ibang Produkto ng Kumpanya ng Meta na naka-link sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo, gaya ng kapag ginamit mo ang in-app player para mag-play ng content mula sa isang platform ng third-party, puwedeng ibigay sa naturang third-party o Produkto ng Kumpanya ng Meta ang impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng iyong IP address at ang impormasyong user ka ng WhatsApp. Pakitandaan na kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng third-party o iba pang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, mananaig ang kanilang mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang serbisyo at produkto.
Bumalik sa itaas
Paano Kami Nakikipagtulungan sa Ibang Mga Kumpanya ng Meta
Bilang bahagi ng Mga Kumpanya ng Meta, nakakatanggap at nagbabahagi ang WhatsApp ng impormasyon (tingnan dito) sa iba pang Mga Kumpanya ng Meta. Puwede naming gamitin ang impormasyong natatanggap namin mula sa kanila, at puwede nilang gamitin ang impormasyong natatanggap nila mula sa amin, para makatulong sa pagpapagana, pagbibigay, pagpapahusay, pag-unawa, pag-customize, pagsuporta, at pag-market sa aming Mga Serbisyo at kanilang mga alok, kabilang ang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- pagtulong sa pagpapahusay sa imprastruktura at mga system ng paghahatid;
- pag-unawa sa kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo o ang kanila;
- pagtataguyod ng kaligtasan, seguridad, at integridad sa lahat ng Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, hal., pag-secure ng mga system at paglaban sa mga spam, banta, pang-aabuso, o infringement activities;
- pagpapaganda sa kanilang mga serbisyo at mga karanasan mo sa paggamit sa mga ito, gaya ng pagbibigay sa iyo ng mga mungkahi (halimbawa, mga mungkahing kaibigan o koneksyon sa grupo, o mga interesanteng content), pag-personalize sa mga feature at content, pagtulong sa iyong magkumpleto ng mga pagbili at transaksyon, at pagpapakita ng mga may kaugnayang alok at ad sa lahat ng Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta; at
- pagbibigay ng mga integration na nagbibigay-daan sa iyong ikonekta ang iyong mga karanasan sa WhatsApp sa iba pang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta. Halimbawa, pagbibigay-daan sa iyo na ikonekta ang iyong Facebook Pay account para magbayad ng mga bagay sa WhatsApp o pagbibigay-daan sa iyo na makipag-chat sa iyong mga kaibigan sa iba pang Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, gaya ng Portal, sa pamamagitan ng pagkonekta ng iyong WhatsApp account.
Alamin pa ang tungkol sa iba pang Mga Kumpanya ng Meta at ang mga kasanayan at kagawian nila sa privacy sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga patakaran sa privacy.
Bumalik sa itaas
Pag-assign, Pagpapalit ng Kontrol, at Paglilipat
Kung sakaling kasali kami sa isang merger, acquisition, restructuring, bankruptcy, o pagbebenta ng lahat o ng ilan sa aming mga asset, ibabahagi namin ang iyong impormasyon sa mga successor na entity o mga bagong may-ari kaugnay ng transaksyon alinsunod sa mga nalalapat na batas sa pagprotekta ng data.
Bumalik sa itaas
Pamamahala at Pagpapanatili sa Iyong Impormasyon
Puwede mong i-access o i-port ang iyong impormasyon gamit ang aming in-app na feature na Humingi ng Impormasyon ng Account (available sa Mga Setting > Account). Para sa mga user ng iPhone, malalaman mo kung paano i-access, pamahalaan, at burahin ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng aming mga artikulo ng Help Center para sa iPhone. Para sa mga user ng Android, malalaman mo kung paano i-access, pamahalaan, at burahin ang iyong impormasyon sa pamamagitan ng aming mga artikulo ng Help Center para sa Android.
Sino-store namin ang impormasyon hangga't kinakailangan para sa mga layuning isinaad sa Patakaran sa Privacy, kabilang ang pagbibigay sa aming Mga Serbisyo o para sa iba pang lehitimong layunin, gaya ng pagsunod sa mga legal na obligasyon, pagpapatupad sa aming Mga Tuntunin at pagpigil sa mga paglabag sa mga ito, o pagprotekta o pagtatanggol sa aming mga karapatan, ari-arian, at mga user. Ang tagal ng pagso-store ay tinutukoy ayon sa sitwasyon na nakadepende sa mga salik gaya ng katangian ng impormasyon, bakit ito kinokolekta at pinoproseso, mga may kaugnayang legal o pang-operasyong pangangailangan sa pagpapanatili, at mga legal na obligasyon.
Kung gusto mong higit pang pamahalaan, baguhin, limitahan, o i-delete ang iyong impormasyon, magagawa mo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na tool:
- Mga Setting ng Mga Serbisyo. Puwede mong baguhin ang mga setting ng iyong Mga Serbisyo para pamahalaan ang ilang partikular na impormasyong available sa iba pang user. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga contact, grupo, at broadcast list, o gamitin ang aming feature na “i-block” para pamahalaan ang mga user na kinakausap mo.
- Pagpapalit ng Numero ng Mobile Phone Mo, Pangalan sa Profile at Profile Picture, at Impormasyon “Tungkol sa Iyo.” Kung babaguhin mo ang numero ng mobile phone mo, kinakailangan mo itong i-update gamit ang aming in-app na feature sa pagpapalit ng numero at kinakailangan mong ilipat ang iyong account sa bago mong numero ng mobile phone. Puwede mo ring baguhin ang pangalan ng iyong profile, profile picture, at impormasyon "tungkol sa iyo" anumang oras.
- Pagbura sa Iyong WhatsApp Account. Puwede mong burahin ang iyong WhatsApp account anumang oras (kabilang na kung gusto mong bawiin ang iyong pahintulot na gamitin ang iyong impormasyon ayon sa nalalapat na batas) gamit ang aming in-app na feature na burahin ang aking account. Kapag nabura mo ang iyong WhatsApp account, mabubura sa aming mga server ang iyong mga mensahe na hindi pa naihahatid pati na ang iba mo pang impormasyon na hindi na namin kailangan para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo. Sa pamamagitan ng pagbura ng iyong account, halimbawa, mabubura ang impormasyon ng iyong account at ang profile photo mo, mabubura ka sa lahat ng grupo sa WhatsApp, at mabubura ang history ng mensahe mo sa WhatsApp. Tandaan na kung sa device mo lang buburahin ang WhatsApp nang hindi ginagamit ang aming in-app na feature na burahin ang aking account, iso-store namin ang iyong impormasyon nang mas matagal. Pakitandaan na kung buburahin mo ang iyong account, hindi ito makakaapekto sa iyong impormasyon kaugnay ng mga grupong ginawa mo o sa impormasyong iniuugnay sa iyo ng iba pang user, gaya ng kanilang kopya ng mga mensaheng ipinadala mo sa kanila.
Puwede mong alamin dito ang higit pa tungkol sa mga kasanayan at kagawian namin sa pagbura at pagpapanatili ng data at tungkol sa kung paano buburahin ang iyong account.
Bumalik sa itaas
Ang Batas, Ang Aming Mga Karapatan, at Proteksyon
Ina-access, pinapanatili, at ibinabahagi namin ang iyong impormasyon na nakalarawan sa seksyong "Impormasyong Kinokolekta Namin" ng Patakaran sa Privacy na ito na nasa itaas kung may good-faith belief kami na kinakailangan ito para: (a) tumugon alinsunod sa naaangkop na batas o mga regulasyon, legal na proseso, o mga government request; (b) ipatupad ang aming Mga Tuntunin at anumang iba pang nalalapat na tuntunin at patakaran, kabilang na ang para sa mga pag-iimbestiga ng mga posibleng paglabag; (c) tukuyin, imbestigahan, maiwasan, o tugunan ang panloloko at iba pang ilegal na aktibidad o mga panseguridad at teknikal na isyu; o (d) protektahan ang mga karapatan, ari-arian, at kaligtasan ng aming mga user, ng WhatsApp, iba pang Mga Kumpanya ng Meta, o iba pa, kabilang na ang pag-iwas sa pagkamatay o nakaambang pinsala sa katawan.
Bumalik sa itaas
Ang Aming Operasyon sa Buong Mundo
Nagbabahagi ng impormasyon ang WhatsApp sa buong mundo, sa paraang internal sa loob ng Mga Kumpanya ng Meta, at sa paraang external sa aming mga partner at service provider, at sa mga kausap mo sa buong mundo alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ito. Halimbawa, ang iyong impormasyon ay puwedeng mailipat o ma-transmit, o ma-store at maproseso, sa Estados Unidos; sa mga bansa o teritoryo kung nasaan ang mga affiliate at partner ng Mga Kumpanya ng Meta, mga service provider namin; o sa anumang iba pang bansa o teritoryo sa buong mundo kung saan ibinibigay ang Mga Serbisyo sa labas ng tinitirahan mo alinsunod sa inilarawan sa Patakaran sa Privacy na ito. Ginagamit ng WhatsApp ang infrastructure at mga data center ng Meta sa buong mundo, kabilang ang mga nasa Estados Unidos. Kinakailangan ang mga paglilipat na ito para maibigay ang mga pandaigdigang Serbisyong nakasaad sa aming Mga Tuntunin. Pakitandaan na ang mga bansa o teritoryong pinaglilipatan ng iyong impormasyon ay maaaring may mga batas at proteksyon sa privacy na iba sa tinitirhan mong bansa o teritoryo.
Bumalik sa itaas
Mga Update sa Aming Patakaran
Puwede naming baguhin o i-update ang aming Patakaran sa Privacy. Bibigyan ka namin ng abiso ng mga pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito, kung naaangkop, at ia-update namin ang petsang “Petsa ng Pagkakabisa” sa itaas ng Patakaran sa Privacy na ito. Paminsan-minsan basahin ang aming Patakaran sa Privacy.
Bumalik sa itaas
Makipag-ugnayan sa Amin
Kung may mga tanong ka o isyu tungkol sa aming Patakaran sa Privacy, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.
WhatsApp LLC
Privacy Policy
1601 Willow Road
Menlo Park, California 94025
United States of America
Bumalik sa itaas