Ang Abiso sa Privacy para sa Mga Feature ng WhatsApp Avatars na ito ay naaangkop kung pipiliin mong sumali sa mga avatar feature na ito. Ipinapaliwanag nito kung paano namin ginagamit at pinoprotektahan ang iyong impormasyon para gumawa ng mga inirerekomendang avatar at suportahan ang pagtawag gamit ang avatar, at karagdagan sa
Patakaran sa Privacy ng WhatsApp.
Mga Inirerekomendang Avatar
Ang feature na mga inirerekomendang avatar ay pinahihinitulutan ang WhatsApp, LLC na mabilis na magrekomenda ng mga avatar sa iyo gamit ang litrato mo na kukunan mo at isu-submit kapag gumagawa ng iyong avatar. Kung pipiliin mong gamitin ang mga inirerekomendang feature na mga avatar, kakailanganin mong sumang-ayon sa abiso sa privacy na ito.
Impormasyong ginamit para ibigay ang inirerekomendang feature na mga avatar
Para magrekomenda ang WhatsApp ng mga avatar na hango sa iyong hitsura, sinusuri namin ang iyong litrato para matantiya ang lokasyon ng mga bahagi ng iyong mukha, tulad ng mga mata, ilong at bibig mo, at mga partikular na points sa mga contour ng mga bahaging iyong ng mukha ("tinatantiyang mga points sa mukha"). Sinusuri rin ng namin ang iyong litrato para makita ang approximate na laki, hugis at pigment ng kulay ng ilang bahagi ng iyong mukha ("mga pine-predict na katangian ng mukha"). Pagkatapos, ginagamit ng aming teknolohiya ang iyong tinatantiyang mga points sa mukha at mga pine-predict na katangian ng mukha para gumawa ng mga avatar na hango sa iyo, pagkatapos ay irerekomenda ito sa iyo ng WhatsApp. Kung pipiliin mo, puwede mong gamitin ang avatar editor tool para i-customize ang mga inirerekomendang avatar bago pumili ng iyong final avatar. Walang gagamitin sa impormasyon na ito para makilala ka, at gagamitin lang ito para sa pagrerekomenda ng mga avatar na hango sa iyo.
Kapag pumili ka na ng iyong final avatar, sisimulang iproseso ang litrato, tinatantiyang mga points sa mukha, mga pine-predict na katangian ng mukha, at mga inirerekomendang avatar para mabura kaagad. Ang buong proseso ng pag-delete ay maaaring abutin ng hanggang 14 na araw para makumpleto.
Sasailalim sa patakaran sa privacy ng WhatsApp, iso-store ng WhatsApp ang iyong final avatar at sa iyong device para magamit mo ito para sa interactive na mga digital experience sa WhatsApp. Kapag nagawa na ang iyong final avatar, puwede mo itong burahin anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa “Burahin ang Avatar” sa avatar settings sa iyong WhatsApp. Awtomatiko ring buburahin ang iyong final avatar kung buburahin mo ang iyong WhatsApp account.
Pagtawag gamit ang Avatar
Ang feature na pagtawag gamit ang avatar ay pinapayagan kang sumali sa mga WhatsApp video call bilang iyong personal na avatar. Ang pagtawag gamit ang avatar ay feature na augmented reality na pinapalitan ang iyong video ng live avatar mo.
Impormasyong ginamit para ibigay ang feature na pagtawag gamit ang avatar
Kung pipiliin mong gumamit ng pagtawag gamit ang avatar, kailangan naming tiyakin na lalabas ang iyong avatar kung saan nasaan ka sa video at na ipapakita nito ang iyong mga facial expression at mga galaw nang real time (mga camera effect).
Para i-facilitate ang pagtawag gamit ang avatar, tatantiyahin ng WhatsApp ang lokasyon ng mga bahagi ng iyong mukha (tulad ng iyong mga mata, ilong o bibig) at mga partikular na points sa mga contour ng mga bahaging iyon ng iyong mukha ("tinatantiyang mga points sa mukha"). Gagamitin namin ang mga tinantiyang facial points na ito sa generic na model ng mukha at ia-adjust ito para gayahin ang iyong mga facial expression at galaw.
Hindi ginagamit ang impormasyong ito para makilala ka. Ginagamit lang ito para ibigay ang feature na pagtawag gamit ang avatar sa iyong mga video call. Kapag itinigil mong gamitin ang feature o natapos ang mga video call, titigil namin ang pagproseso ng impormasyong ito. Hindi namin ini-store ang impormasyong ito o ibabahagi ito sa mga third party.
Sasailalim sa patakaran sa privacy ng WhatsApp, iso-store ng WhatsApp ang iyong avatar at sa iyong device para magamit ito para sa pagtawag gamit ang avatar. Puwede mo itong i-delete anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa “I-delete ang Avatar” sa avatar settings sa iyong WhatsApp. Awtomatiko ring ide-delete ang iyong avatar kung ide-delete mo ang iyong WhatsApp account.
Karagdagang impormasyon para sa mga residente ng US
Ang feature na pagtawag gamit ang avatar ay kinokontrol ng setting ng mga camera effect. Alinsunod sa mga naaangkop na batas, para i-on ang pagtawag gamit ang avatar, kailangan mong sumang-ayon sa abiso sa privacy na ito, na mag-o-on sa setting ng mga camera effect. Puwede mong i-off an setting ng iyong mga camera effect sa privacy settings ng iyong WhatsApp anumang oras. Kung naka-off ang setting, hindi magiging available ang pagtawag gamit ang avatar, pero magkakaroon ka pa rin ng access sa lahat ng iba pang feature ng WhatsApp.
Kapag gumagamit ka ng pagtawag gamit ang avatar, posible naming iproseso ang impormasyon mula sa mga image ng ibang tao na kasama sa iyong video call. Sa pag-on sa pagtawag gamit ang avatar at setting ng mga camera effect, sumasang-ayon ka na gagamitin mo lang ang feature kung naka-on din ang setting ng mga camera effect ng lahat ng taong kasama sa iyong video sa kanilang mga WhatsApp account, o ikaw ang kanilang legal na awtorisadong kinatawan at pinahihintulutan ang mga tuntunin ng abisong ito sa ngalan nila.