Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Enero 4, 2021 (mga naka-archive na bersyon)
Talaan ng mga Nilalaman
Kung nakatira ka sa European Region, ibinibigay sa iyo ng WhatsApp Ireland Limited ang Mga Serbisyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na ito.
Kung nakatira ka sa UK, ibinibigay sa iyo ng WhatsApp LLC ang Mga Serbisyo sa ilalim nitong Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy.
Para maibigay ang aming Mga Serbisyo (ayon sa tinukoy sa ibaba) sa pamamagitan ng aming mga app, mga serbisyo, mga feature, software, o website, kailangan naming makuha ang pagsang-ayon mo sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo ("Mga Tuntunin").
Ang WhatsApp LLC ("WhatsApp," "kami," "amin," o "namin") ang nagbibigay sa iyo ng mga serbisyong nakasaad sa ibaba ("Mga Serbisyo") maliban kung nakatira ka sa isang bansa o teritoryong nasa European Economic Area (na kinabibilangan ng European Union), at anumang iba pang kasamang bansa o teritoryo (sama-samang tinutukoy bilang "European Region").
WALANG ACCESS SA MGA PANG-EMERGENCY NA SERBISYO: May mahahalagang pagkakaiba sa pagitan ng aming Mga Serbisyo at iyong mobile phone at isang fixed-line na telepono at mga SMS na serbisyo. Ang aming Mga Serbisyo ay hindi nagbibigay ng access sa mga pang-emergency na serbisyo o mga provider ng mga pang-emergency na serbisyo, kabilang ang pulisya, bumbero, o ospital, o iba pang answering point para sa pampublikong kaligtasan. Dapat mong tiyaking kaya mong makontak ang mga provider ng mga pang-emergency na serbisyong mahalaga para sa iyo gamit ang mobile phone, fixed-line na telepono, o iba pang serbisyo.
KUNG ISA KANG USER NG WHATSAPP NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA, NAGLALAMAN ANG AMING MGA TUNTUNIN NG PROBISYON NA BINDING NA ARBITRASYON NA NAGSASAAD NA MALIBAN KUNG NAG-OPT OUT KA AT MALIBAN SA ILANG PARTIKULAR NA URI NG HINDI PAGKAKASUNDO, PUMAPAYAG KAYO NG WHATSAPP NA LUTASIN ANG LAHAT NG HINDI PAGKAKASUNDO (TINUTUKOY SA IBABA) SA PAMAMAGITAN NG BINDING NA INDIBIDWAL NA ARBITRASYON, IBIG SABIHIN, IPINAPAUBAYA MO NA ANG ANUMANG KARAPATAN NA PAGDESISYUNAN ANG MGA HINDI PAGKAKASUNDONG IYON NG ISANG HUKOM O JURY, AT IPINAPAUBAYA MO NA ANG KARAPATAN MONG SUMALI SA MGA CLASS ACTION, CLASS ARBITRATION, O REPRESENTATIVE ACTION. PAKIBASA ANG SEKSYONG "ESPESYAL NA PROBISYON SA ARBITRASYON PARA SA MGA USER NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA" SA IBABA PARA ALAMIN PA.
Pagpaparehistro. Kailangan mong magparehistro para sa aming Mga Serbisyo gamit ang tumpak na impormasyon, ibigay ang kasalukuyang numero ng iyong mobile phone, at, kung papalitan mo ito, kailangan mong i-update ang numero ng iyong mobile phone gamit ang aming in-app na feature sa pagpapalit ng numero. Sumasang-ayon kang makatanggap ng mga text message at tawag sa telepono (mula sa amin o sa mga third-party na provider) para sa mga code na gagamitin para magparehistro sa aming Mga Serbisyo.
Address Book. Puwede mong gamitin ang contact upload feature, at kung pinapayagan ng mga nalalapat na batas, puwede mong ibigay sa amin nang regular ang mga numero ng telepono na nasa iyong mobile address book, kabilang na ang sa mga user ng aming Mga Serbisyo at iba mo pang contact. Alamin pa ang tungkol sa aming contact upload feature dito.
Edad. 13 taong gulang pataas ka na dapat para makapagparehistro at magamit ang aming Mga Serbisyo (o lampas ka na dapat sa edad na kinakailangan sa iyong bansa o teritoryo para mapahintulutan kang magparehistro at magamit ang aming Mga Serbisyo nang walang pahintulot ng magulang). Bukod sa dapat ay nasa minimum na kinakailangang edad ka para magamit ang aming Mga Serbisyo sa ilalim ng nalalapat na batas, kung wala ka pa sa hustong gulang para magkaroon ng awtoridad na sang-ayunan ang aming Mga Tuntunin sa iyong bansa o teritoryo, ang iyong magulang o guardian ang dapat sumang-ayon sa aming Mga Tuntunin para sa iyo. Pakiusapan ang iyong magulang o guardian na basahin ang Mga Tuntuning ito kasama ka.
Mga Device at Software. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, kinakailangang mayroon kang ilang partikular na device, software, at koneksyon sa data na hindi namin maipagkakaloob. Para magamit ang aming Mga Serbisyo, pumapayag kang manual o awtomatikong i-download at i-install ang mga update sa aming Mga Serbisyo. Pumapayag ka rin na pana-panahong mapadalhan ng mga abiso gamit ang aming Mga Serbisyo, kapag kailangan para maibigay namin ang aming Mga Serbisyo sa iyo.
Mga Bayarin at Buwis. Ikaw ang mananagot para sa lahat ng data plan ng carrier, bayarin sa Internet, at iba pang bayarin at buwis na nauugnay sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.
Mahalaga sa WhatsApp ang privacy mo. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng WhatsApp ang aming mga kasanayan at kagawian sa data (kabilang ang mensahe), kabilang ang mga uri ng impormasyong tinatanggap at kinokolekta namin mula sa iyo, paano namin ginagamit at ibinabahagi ang impormasyong ito, at ang mga karapatan mo kaugnay ng pagpoproseso ng impormasyon tungkol sa iyo.
Ang Aming Mga Tuntunin at Patakaran. Dapat mong gamitin ang aming Mga Serbisyo ayon sa aming Mga Tuntunin at na-post na patakaran. Kung lalabag ka sa aming Mga Tuntunin o patakaran, puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account at kung gagawin namin ito, sumasang-ayon kang hindi ka gagawa ng panibagong account nang wala ang aming pahintulot. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong "Pagwawakas" sa ibaba.
Legal at Katanggap-tanggap na Paggamit. Dapat mong i-access at gamitin ang aming Mga Serbisyo para lang sa mga layuning legal, awtorisado, at katanggap-tanggap. Hindi mo gagamitin (o hindi mo tutulungan ang iba para gamitin) ang aming Mga Serbisyo sa paraang: (a) susuway, gagamit sa maling paraan, o lalabag sa mga karapatan ng WhatsApp, ng aming mga user, o iba pa, kabilang ang mga karapatan sa privacy, publicity, intelektwal na pag-aari, o iba pang pinagmamay-ariang karapatan; (b) ilegal, bastos, mapanirang-puri, mapagbanta, mapanakot, mapang-harass, mapoot, mapanakit sa lahi o etnisidad, o nag-uudyok o humihikayat ng gawaing ilegal o mali, gaya ng pagtataguyod ng mararahas na krimen, paglalagay sa panganib o pananamantala sa mga bata o iba pa, o pagkokoordina ng pananakit; (c) kinasasangkutan ng pag-publish ng mga kasinungalingan, misrepresentasyon, o mga mapanlinlang na pahayag; (d) pagpapanggap na ibang tao; (e) kinasasangkutan ng pagpapadala ng mga ilegal o ipinagbabawal na komunikasyon gaya ng bulk messaging, awtomatikong pagmemensahe, awtomatikong pag-dial, at mga katulad nito, o (f) kinasasangkutan ng anumang hindi personal na paggamit sa aming Mga Serbisyo maliban na lang kung pinahintulutan namin.
Pinsala Sa WhatsApp O Sa Aming Mga User. Hindi mo dapat (o hindi mo dapat tulungan ang iba na) i-access, gamitin, kopyahin, i-adapt, baguhin, maghanda ng mga derivative work na pinagbasehan, i-distribute, lisensyahan, i-sublicense, ilipat, ipakita, paganahin, o kaya ay pagsamantalahan ang aming Mga Serbisyo sa direkta, hindi direkta, naka-automate o iba pang paraan sa mga paraang ipinagbabawal o hindi awtorisado, o sa mga paraang magpapabigat, makakasira, o makakapinsala sa amin, sa aming Mga Serbisyo, mga system, sa aming mga user, o sa iba pa, kabilang ang pagbabawal sa iyo na direkta o automated na gawin ang mga sumusunod: (a) i-reverse engineer, palitan, baguhin, gawan ng derivative work, i-decompile, o i-extract ang code ng aming Mga Serbisyo; (b) magpadala, mag-store, o mag-transmit ng mga virus o iba pang mapanirang computer code sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (c) magkaroon o subukang magkaroon ng hindi awtorisadong access sa aming Mga Serbisyo o mga system; (d) manghimasok o abalahin ang kaligtasan, seguridad, pagiging kumpidensyal, integridad, availability, o performance ng aming Mga Serbisyo; (e) gumawa ng mga account para sa aming Mga System sa pamamagitan ng mga naka-automate o hindi awtorisadong paraan; (f) mangolekta ng impormasyon ng o tungkol sa aming mga user sa anumang paraang hindi pinapayagan o hindi awtorisado; (g) magbenta, mag-resell, magparenta, o maningil para sa aming Mga Serbisyo o data na nakukuha mula sa amin o sa aming Mga Serbisyo sa hindi awtorisadong paraan; (h) i-distribute o gawing available ang aming Mga Serbisyo sa isang network kung saan puwedeng magamit ang mga ito sa maraming device nang sabay-sabay, maliban na lang kung pinapahintulutan sa pamamagitan ng mga tool na hayagan naming ibinibigay sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo; (i) gumawa ng mga software o API na halos kapareho ng paggana ng aming Mga Serbisyo at pag-aalok sa mga ito para magamit ng mga third party sa hindi awtorisadong paraan; o (j) gamitin sa maling paraan ang anumang channel ng pag-uulat, gaya ng pagsusumite ng mga mapanloko o walang basehang ulat o apela.
Pagpapanatiling Secure ng Iyong Account. Ikaw ang may responsibilidad na panatilihing ligtas at secure ang iyong device at ang iyong WhatsApp account, at dapat mo kaming abisuhan agad tungkol sa anumang hindi awtorisadong paggamit o paglabag sa seguridad ng iyong account o ng aming Mga Serbisyo.
Puwede kang pahintulutan ng aming Mga Serbisyo na mag-access, gumamit, o makipag-ugnayan sa mga website, app, content, at iba pang produkto at serbisyo ng mga third-party, at ng Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta. Halimbawa, puwede mong piliing gumamit ng mga serbisyo ng third-party para sa pag-back up ng data (gaya ng iCloud o Google Drive) na naka-integrate sa aming Mga Serbisyo o makipag-interact sa share button sa website ng third-party na magbibigay-daan sa iyong magpadala ng impormasyon sa iyong mga contact sa WhatsApp. Pakitandaan na ang Mga Tuntuning ito at ang aming Patakaran sa Privacy ay naaangkop lang sa paggamit sa aming Mga Serbisyo. Kapag gumamit ka ng mga produkto o serbisyo ng third-party o Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta, mananaig ang kanilang mga tuntunin at patakaran sa privacy pagdating sa paggamit mo ng mga naturang produkto o serbisyo.
Ang Iyong Mga Karapatan. Hindi kine-claim ng WhatsApp ang pag-aari sa impormasyong isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Nasa iyo dapat ang mga kinakailangang karapatan para sa mga naturang impormasyon na isinusumite mo para sa iyong WhatsApp account o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo at ang karapatang magbigay ng mga karapatan at lisensya sa aming Mga Tuntunin.
Mga Karapatan ng WhatsApp. Kami ang nagmamay-ari ng lahat ng copyright, trademark, domain, logo, trade dress, trade secret, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari na nauugnay sa aming Mga Serbisyo. Hindi mo puwedeng gamitin ang aming mga copyright, trademark (o anumang katulad na marka), domain, logo, trade dress, trade secret, patent, at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari maliban na lang kung hayagan ka naming pinahintulutan at maliban kung alinsunod ito sa aming Mga Alituntunin ng Brand. Puwede mong gamitin ang mga trademark ng aming mga affiliated na kumpanya kung may pahintulot lang nila, kasama na kung awtorisado ito sa anumang naka-publish na alituntunin ng brand.
Ang Iyong Lisensya sa WhatsApp. Para mapagana at maibigay ang aming Mga Serbisyo, binibigyan mo ang WhatsApp ng pandaigdigan, hindi eksklusibo, walang royalty, nasa-sublicense, at naililipat na lisensya para gamitin, i-reproduce, i-distribute, gawan ng mga derivative work, ipakita, at paganahin ang impormasyon (kasama ang content) na ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, o natatanggap mo sa o sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo. Ang mga karapatang ibinibigay mo sa lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng pagpapagana at pagbibigay sa aming Mga Serbisyo (gaya ng para bigyang-daan kami na ipakita ang iyong profile picture at mensahe ng status, i-transmit ang iyong mga mensahe, at i-store ang iyong mga mensahe na hindi pa naihahatid sa aming mga server sa loob ng hanggang 30 araw habang sinusubukan namin itong ipadala).
Lisensya sa Iyo ng WhatsApp. Binibigyan ka namin ng limitado, nababawi, hindi eksklusibo, hindi nasa-sublicense, at hindi naililipat na lisensya para gamitin ang aming Mga Serbisyo, alinsunod sa at napapailalim sa aming Mga Tuntunin. Ang lisensyang ito ay para lang magamit mo ang aming Mga Serbisyo sa paraang pinapahintulutan ng aming Mga Tuntunin. Walang ibinibigay sa iyong lisensya o karapatan sa pamamagitan ng pagpapahiwatig o sa iba pang paraan, maliban sa mga lisensya at karapatang hayagang ibinigay sa iyo.
Para mag-ulat ng mga claim ng paglabag sa copyright, trademark, o iba pang intelektwal na pag-aari ng third-party, pakibisita ang aming Patakaran sa Intelektwal na Pag-aari. Puwede kaming gumawa ng aksyon kaugnay ng iyong account, kabilang ang pag-disable o pagsususpinde ng iyong account, kung malinaw, matindi, o paulit-ulit ang paglabag mo sa mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba o kapag kailangan namin itong gawin para sa mga legal na dahilan. Ang pag-disable o pagsususpinde sa iyong account ay alinsunod sa seksyong "Pagwawakas" sa ibaba.
GINAGAMIT MO ANG AMING MGA SERBISYO SA SARILI MONG PANANAGUTAN AT NAPAPAILALIM KA SA MGA SUMUSUNOD NA DISCLAIMER. IBINIBIGAY NAMIN ANG AMING MGA SERBISYO “BILANG GANOON” NANG WALANG ANUMANG INIHAYAG O IPINAHIWATIG NA WARRANTY, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA WARRANTY NG MERCHANTABILITY, KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, NON-INFRINGEMENT, AT KAWALAN NG COMPUTER VIRUS O IBA PANG MAPAMINSALANG CODE. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA NA ANG ANUMANG IMPORMASYONG IBINIBIGAY NAMIN AY TUMPAK, KUMPLETO, O KAPAKI-PAKINABANG, NA ANG AMING MGA SERBISYO AY GUMAGANA, WALANG ERROR, SECURE, O LIGTAS, O TATAKBO ANG AMING MGA SERBISYO NANG WALANG ABALA, PAGKAANTALA, O PAGKAKAMALI. HINDI NAMIN KONTROLADO AT HINDI NAMIN RESPONSIBILIDAD ANG PAGKONTROL SA KUNG PAANO AT KAILAN GAGAMITIN NG MGA USER ANG AMING MGA SERBISYO O MGA FEATURE, SERBISYO, AT INTERFACE NG MGA SERBISYONG IBINIBIGAY NAMIN. HINDI NAMIN RESPONSIBILIDAD AT WALA KAMING OBLIGASYON NA KONTROLIN ANG MGA AKSYON O IMPORMASYON (KABILANG ANG CONTENT) NG AMING MGA USER O IBA PANG THIRD-PARTY. PINAPALAYA MO KAMI, ANG AMING MGA SUBSIDIARY, AFFILIATE, AT ANG AMING AT ANG KANILANG MGA DIREKTOR, OPISYAL, EMPLEYADO, PARTNER, AT AGENT (SAMA-SAMANG TINATAWAG NA “MGA WHATSAPP PARTY”) MULA SA ANUMANG CLAIM, REKLAMO, CAUSE OF ACTION, KONTROBERSYA, HINDI PAGKAKASUNDO, O DAMAGES (SAMA-SAMANG TINATAWAG NA “CLAIM”), TUKOY MAN O HINDI, KAUGNAY NG, DAHIL SA, O NAUUGNAY SA ANUMANG PARAAN SA ANUMANG NATURANG CLAIM NA MAYROON KA LABAN SA ANUMANG THIRD-PARTY. ANG IYONG MGA KARAPATAN KAUGNAY NG MGA WHATSAPP PARTY AY HINDI MABABAGO NG NABANGGIT NA DISCLAIMER KUNG HINDI ITO PINAPAYAGAN NG MGA BATAS NG TINITIRHAN MONG BANSA O TERITORYO BILANG RESULTA NG PAGGAMIT MO NG AMING MGA SERBISYO. KUNG ISA KANG RESIDENTE NG ESTADOS UNIDOS, IPINAPAUBAYA MO NA ANG ANUMANG KARAPATANG MAAARING MAYROON KA SA ILALIM NG CALIFORNIA CIVIL CODE §1542, O ANUMANG IBA PANG KATULAD NA NALALAPAT NA STATUTE O BATAS NG ANUMANG IBA PANG HURISDIKSYON, NA NAGSASAAD NA: HINDI SAKLAW NG ISANG PANGKALAHATANG PAG-AABSWELTO ANG MGA CLAIM NA HINDI ALAM O HINDI PINAGSUSUSPETSAHAN NG CREDITOR O NAG-AABSWELTONG PARTY SA KANYANG PABOR SA PANAHON NG PAGPAPATUPAD SA PAG-AABSWELTO, AT KUNG ALAM NIYA AY MAAARING MAKAAPEKTO NANG MALAKI SA KANYANG PAKIKIPAG-AREGLO SA DEBTOR O INAABSWELTONG PARTY.
HINDI MANANAGOT SA IYO ANG MGA PARTY NG WHATSAPP PARA SA ANUMANG PAGKAWALA NG MGA KITA O MGA KINAHINATNAN, ESPESYAL, NAGPAPAPARUSA, HINDI DIREKTA, O HINDI SINASADYANG MGA DAMAGE NA KAUGNAY NG, DAHIL SA, O SA ANUMANG PARAAN AY NAUUGNAY SA AMING MGA TUNTUNIN, SA AMIN, O SA AMING MGA SERBISYO (PAANO MAN ITO IDINULOT NG AT SA ANUMANG TEORYA NG PANANAGUTAN, KABILANG ANG KAPABAYAAN), KAHIT NA NAABISUHAN ANG MGA PARTY NG WHATSAPP NG POSIBILIDAD TUNGKOL SA MGA NATURANG DAMAGE. ANG KABUUAN NAMING PANANAGUTAN NA NAUUGNAY SA, DULOT NG, O SA ANUMANG PARAAN AY KONEKTADO SA AMING MGA TUNTUNIN, SA AMIN, O SA AMING MGA SERBISYO AY HINDI LALAMPAS SA ISANG DAANG DOLYAR ($100) O HALAGANG IBINAYAD MO SA AMIN SA NAKALIPAS NA LABINDALAWANG BUWAN, ALINMAN ANG MAS MALAKI. ANG NABANGGIT NA DISCLAIMER SA ILANG PARTIKULAR NA DAMAGE AT LIMITASYON NG PANANAGUTAN AY MAILALAPAT SA MAXIMUM NA SAKLAW NA PINAPAYAGAN NG NALALAPAT NA BATAS. MAAARING HINDI PINAPAYAGAN NG MGA BATAS NG ILANG ESTADO ANG EKSKLUSYON O LIMITASYON NG ILANG PARTIKULAR NA DAMAGE, KAYA PUWEDENG HINDI NALALAPAT SA IYO ANG ILAN O ANG LAHAT NG EKSKLUSYON AT LIMITASYONG NAKASAAD SA ITAAS. SA KABILA NG ANUMANG SALUNGAT SA AMING MGA TUNTUNIN, SA MGA GANOONG PAGKAKATAON, ANG PANANAGUTAN NG MGA PARTY NG WHATSAPP AY MAGIGING LIMITADO SA GANAP NA SAKLAW NA PINAPAHINTULUTAN NG NALALAPAT NA BATAS.
Kung may maghahain ng claim ("Claim ng Third-Party") laban sa amin kaugnay ng iyong aksyon, impormasyon, o content sa WhatsApp, o anumang iba pang paggamit mo sa aming Mga Serbisyo, sa maximum na lawak na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, babayaran mo ang damages at hindi mo pananagutin ang Mga Party ng WhatsApp mula at laban sa lahat ng uri ng pananagutan, pinsala, pagkawala o pagkalugi, at anumang uri ng gastos (kabilang ang mga makatuwirang singil at gastos sa abugado) na kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa alinman sa mga sumusunod: (a) pag-access o paggamit mo ng aming Mga Serbisyo, kabilang ang impormasyon at content na ibinigay kaugnay ng narito; (b) paglabag mo sa aming Mga Tuntunin o naaangkop na batas; o (c) anumang maling pahayag na ginawa mo. Makikipagtulungan ka nang ganap hangga't kailangan namin para sa pagdepensa o pakikipag-areglo para sa anumang Claim ng Third-Party. Ang iyong mga karapatan kaugnay ng WhatsApp ay hindi mababago ng nabanggit na pagbabayad ng damages kung hindi ito pinapayagan ng mga batas ng tinitirhan mong bansa o teritoryo bilang resulta ng paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.
Forum At Venue. Kung isa kang user ng WhatsApp na nasa Estados Unidos o Canada, nalalapat para sa iyo ang seksyong "Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada". Pakibasa rin nang buo at mabuti ang seksyong iyon. Kung hindi ka sakop ng seksyong "Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada" sa ibaba, sumasang-ayon ka na ang anumang claim o cause of action na mayroon ka laban sa WhatsApp kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa aming Mga Tuntunin o sa aming Mga Serbisyo, at para sa anumang claim o cause of action na ihahain ng WhatsApp laban sa iyo, pumapayag kayo ng WhatsApp na ang anumang naturang claim o cause of action (tatawaging “Hindi Pagkakasundo” kapag isa, at “Mga Hindi Pagkakasundo” kapag sama-sama) ay eksklusibong lulutasin sa United States District Court ng Northern District ng California o isang pang-estadong korteng nasa San Mateo County ng California, at sumasang-ayon kang mapailalim sa personal na hurisdiksyon ng mga naturang korte para dinggin ang anumang naturang claim o cause of action, at ang mga batas ng Estado ng California ang sasaklaw sa anumang naturang claim o cause of action nang hindi alintana ang mga probisyon tungkol sa conflict of law. Nang hindi nawawala ang anumang karapatan sa mga nabanggit, sumasang-ayon ka na sa sarili naming paghuhusga, puwede naming piliing resolbahin sa anumang kwalipikadong korte sa bansa kung saan ka nakatira na may hurisdiksyon sa Hindi Pagkakasundo ang anumang Hindi Pagkakasundo na mayroon kami sa iyo na hindi napapailalim sa arbitrasyon.
Nakakasakop na Batas. Ang mga batas ng Estado ng California ang sumasakop sa aming Mga Tuntunin, pati na sa anumang Hindi Pagkakasundo, sa korte man o sa arbitrasyon, na puwedeng sumulpot sa pagitan mo at ng WhatsApp, nang hindi alintana ang mga probisyon tungkol sa conflict of law.
Limitasyon sa Oras Para Makapaghain ng Claim o Hindi Pagkakasundo. NILILIMITAHAN DIN NG MGA TUNTUNING ITO ANG ORAS NA MAYROON KA PARA MAKAPAGHAIN NG CLAIM O HINDI PAGKAKASUNDO, KABILANG ANG ORAS NG PAGSISIMULA NG ARBITRASYON, O KUNG PINAPAHINTULUTAN, ISANG AKSYON SA KORTE O PAGDINIG PARA SA MALILIIT NA CLAIM SA PINAKAMALAWAK NA SAKLAW NA PINAPAYAGAN NG NAAANGKOP NA BATAS. Sumasang-ayon ka at kami na para sa anumang Hindi Pagkakasundo (maliban para sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo na inilalarawan sa ibaba), ikaw at ako ay dapat maghain ng Mga Claim (kabilang ang pagsisimula ng paglilitis ng arbitrasyon) sa loob ng isang taon simula noong unang nangyari ang Hindi Pagkakasundo; kung hindi ay permanenteng pipigilan ang naturang Hindi Pagkakasundo. Ibig sabihin, kapag ikaw o ako ay hindi nakapaghain ng Claim (kabilang ang pagsisimula ng arbitrasyon) sa loob ng isang taon simula noong unang mangyari ang Hindi Pagkakasundo, idi-dismiss ang arbitrasyon dahil masyado nang huli ang pagsisimula nito.
Tingnan sa Ibaba: Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada
Availability ng Aming Mga Serbisyo. Palagi kaming nagsisikap na pagandahin ang aming Mga Serbisyo. Ibig sabihin, puwede naming palawakin, dagdagan, o alisin ang aming Mga Serbisyo, feature, functionality, at suporta sa ilang partikular na device at platform. Puwedeng maantala ang aming Mga Serbisyo, kabilang na para sa mga maintenance, repair, upgrade, o pagpalya ng network o equipment. Puwede naming ihinto ang ilan o ang lahat ng aming Serbisyo, kabilang ang ilang partikular na feature at suporta para sa ilang partikular na device at platform, anumang oras. Puwedeng makaapekto sa aming Mga Serbisyo ang mga pangyayaring hindi namin kontrolado, gaya ng mga pangyayaring dulot ng kalikasan at iba pang force majeure na pangyayari.
Puwede naming baguhin, suspindihin, o wakasan ang iyong access o paggamit sa aming Mga Serbisyo anumang oras para sa anumang dahilan, gaya ng kapag nilabag mo ang nakasaad o ang diwa ng aming Mga Tuntunin para magdulot ng kapahamakan, peligro, o mga posibleng legal na panganib para sa amin, sa aming mga user, o iba pa. Puwede rin naming i-disable o burahin ang iyong account kung hindi ito magiging aktibo pagkatapos ng pagpaparehistro ng account o kung mananatili itong hindi aktibo sa loob ng matagal na panahon. Mananatili ang mga sumusunod na probisyon ng anumang pagtatapos ng ugnayan mo sa WhatsApp: "Mga Lisensya," "Mga Disclaimer at Pag-aabswelto," "Limitasyon ng Pananagutan," "Pagbabayad ng Damages," "Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo," "Availability Ng Aming Mga Serbisyo," "Iba Pa," at "Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada."
PAKIBASA NANG MABUTI ANG SEKSYONG ITO DAHIL NAGLALAMAN ITO NG MGA DAGDAG NA PROBISYON NA NAAANGKOP LANG SA MGA USER NAMIN NA NASA ESTADOS UNIDOS AT CANADA. KUNG ISA KANG USER NG WHATSAPP NA NASA ESTADOS UNIDOS O CANADA, IKAW AT AKO AY SUMASANG-AYON NA ISUSUMITE ANG LAHAT NG HINDI PAGKAKASUNDO SA BINDING NA INDIBIDWAL NA ARBITRASYON, MALIBAN SA MGA HINDI PAGKAKASUNDONG MAY KINALAMAN SA INTELEKTWAL NA PAG-AARI, AT MALIBAN SA MGA PUWEDENG IHAIN SA KORTE NG MALILIIT NA CLAIM O SMALL CLAIMS COURT. IBIG SABIHIN, IPINAPAUBAYA MO NA ANG KARAPATAN MO NA MADINIG ANG MGA NATURANG HINDI PAGKAKASUNDO NG ISANG HUKOM O JURY SA ISANG KORTE. BILANG PANGHULI, NAGHAHAIN KA NG CLAIM SA NGALAN MO LANG AT HINDI SA NGALAN NG SINUMANG OPISYAL O IBANG TAO, O GRUPO NG MGA TAO. IPINAPAUBAYA MO ANG KARAPATAN MONG MADINIG AT MALUTAS ANG IYONG HINDI PAGKAKASUNDO BILANG ISANG CLASS ACTION, CLASS ARBITRATION, O REPRESENTATIVE ACTION.
Ang ibig sabihin ng "Ibinukod na Hindi Pagkakasundo" ay anumang Hindi Pagkakasundo na nauugnay sa pagpapatupad o paglabag sa mga karapatan mo o namin sa intelektwal na pag-aari (gaya ng mga copyright, trademark, domain, logo, trade dress, trade secret, at patent) o mga hakbang para manghimasok sa aming Mga Serbisyo o gamitin ang aming Mga Serbisyo sa mga hindi awtorisadong paraan (halimbawa, mga naka-automate na paraan). Para sa pagbibigay ng linaw at sa kabila ng mga nabanggit, ang mga Hindi Pagkakasundo na kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan ay nauugnay sa iyong mga karapatan sa privacy at publicity ay hindi Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo.
Federal Arbitration Act. Saklaw ng United States Federal Arbitration Act ang interpretasyon at pagpapatupad sa seksyong ito na "Espesyal na Probisyon sa Arbitrasyon para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada", kabilang ang anumang tanong kung ang isang Hindi Pagkakasundo sa pagitan mo o ng WhatsApp ay napapailalim sa arbitrasyon.
Kasunduang Makipag-arbitrasyon para sa Mga User ng WhatsApp na Nasa Estados Unidos o Canada. Para sa mga user ng WhatsApp na nakatira sa Estados Unidos o Canada, pumapayag ka at ang WhatsApp na ipaubaya ang karapatang litisin ng hukom o jury para sa lahat ng Hindi Pagkakasundo, maliban sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo. Sumasang-ayon ka at ang WhatsApp na ang lahat ng Hindi Pagkakasundo (maliban sa Mga Ibinukod na Hindi Pagkakasundo), kabilang ang mga kaugnay ng, dahil sa, o sa anumang paraan na nauugnay sa mga karapatan mo sa privacy at publicity, ay lulutasin sa pamamagitan ng pinal at binding na arbitrasyon. Sumasang-ayon ang WhatsApp at ikaw na hindi isasama ang Hindi Pagkakasundo na sumasailalim sa arbitrasyon sa ilalim ng aming Mga Tuntunin sa Hindi Pagkakasundo na hindi kwalipikado sa arbitrasyon sa ilalim ng aming Mga Tuntunin.
Bago mo simulan ang arbitrasyon ng isang Hindi Pagkakasundo, dapat kang magbigay sa amin ng isang nakasulat na Abiso ng Hindi Pagkakasundo na naglalaman ng iyong (a) pangalan; (b) address ng tirahan; (c) username; (d) email address o numero ng teleponong ginagamit mo sa iyong WhatsApp account; (e) isang detalyadong paglalarawan ng hindi pagkakasundo; at (f) ang habol mong remedyo. Ang anumang Abiso ng Hindi Pagkakasundo na ipapadala mo sa amin ay dapat i-mail sa Meta Platforms, Inc., ATTN: WhatsApp Arbitration Filing, 1601 Willow Rd. Menlo Park, CA 94025. Bago namin simulan ang arbitrasyon, magpapadala kami ng Abiso ng Hindi Pagkakasundo sa email address na ibinigay mo, o sa iba pang naaangkop na paraan. Kung hindi natin malulutas ang isang hindi pagkakasundo sa loob ng animnapung (60) araw pagkatapos matanggap ang Abiso ng Hindi Pagkakasundo, puwede mo o naming simulan ang arbitrasyon.
Ang arbitrasyon ay papangasiwaan ng American Arbitration Association ("AAA") sa ilalim ng Commercial Arbitration Rules nito na nalalapat sa panahong sinimulan ang arbitrasyon, kabilang ang Optional Rules for Emergency Measures of Protection at Supplementary Procedures for Consumer-Related Disputes (sama-samang tinatawag na “Mga Rule ng AAA”). Ang arbitrasyon ay pangungunahan ng isang arbitrator na pinili alinsunod sa Mga Rule ng AAA. Available sa www.adr.org ang Mga Rule ng AAA, impormasyon tungkol sa pagsisimula ng isang Hindi Pagkakasundo, at paglalarawan ng proseso ng arbitrasyon. Korte ang magdedesisyon para sa mga isyung may kinalaman sa saklaw at pagiging naaangkop ng probisyon ng arbitrasyon. Ang lokasyon ng arbitrasyon at ang hatian ng mga bayarin at gastos para sa naturang arbitrasyon ay tutukuyin alinsunod sa Mga Rule ng AAA.
Proseso ng Pag-Opt-Out. Puwede kang mag-opt out sa kasunduang ito na mag-arbitrasyon. Kung gagawin mo ito, hindi natin puwedeng hilingin sa isa't isa na sumali sa isang pagdinig na arbitrasyon. Para mag-opt out, dapat mo kaming abisuhan sa sulat na nilagyan ng selyo sa loob ng 30 araw ng (a) petsa noong una mong tinanggap ang aming Mga Tuntunin; at (b) napailalim ka sa probisyong ito ng arbitrasyon, alinman ang mas huli. Dapat mong gamitin ang address na ito para mag-opt out:
WhatsApp LLC
Arbitration Opt-Out
1601 Willow Road
Menlo Park, California 94025
United States of America
Dapat mong ilagay ang: (i) iyong pangalan at address ng tirahan; (ii) numero ng mobile phone na nauugnay sa iyong account; at (iii) malinaw na pahayag na gusto mong umayaw sa kasunduan na mag-arbitrate na nasa aming Mga Tuntunin.
Korte ng Maliliit na Claim o Small Claims Court. Bilang alternatibo sa arbitrasyon, kung papahintulutan ng mga patakaran ng iyong lokal na korte ng “small claims,” puwede mong ihain ang iyong Hindi Pagkakasundo sa iyong lokal na korte ng “small claims,” hangga't maisusulong ang usapin sa isang indibidwal (hindi class) na batayan.
Bawal ang Mga Class Action, Class Arbitration, o Representative Action para sa Mga User na Nasa Estados Unidos o Canada. Ikaw at kami ay parehong sumasang-ayon na kung isa kang user ng WhatsApp na nasa Estados Unidos o Canada, kami o ikaw ay puwedeng maghain ng Mga Hindi Pagkakasundo laban sa isa't isa para lang sa sarili natin, at hindi sa ngalan ng ibang tao o entity, o anumang grupo o class ng mga tao. Kami at ikaw ay parehong sumasang-ayon na hindi sasali sa isang class action, class-wide na arbitrasyon, Mga Hindi Pagkakasundong inihain ng isang private attorney general o bilang kinatawan, o mga konsolidadong Hindi Pagkakasundo na may kinalaman sa ibang tao o entity kaugnay ng anumang Hindi Pagkakasundo. Kung may pinal na hudisyal na desisyon na nagsasabing hindi maisasailalim sa arbitrasyon ang anumang partikular na Hindi Pagkakasundo (o ang paghiling ng partikular na remedyo) alinsunod sa mga limitasyon ng probisyong ito, tanging ang naturang Hindi Pagkakasundo (o ang paghiling lang na iyon ng remedyo) ang puwedeng isampa sa korte. Mapapailalim pa rin sa probisyong ito ang lahat ng iba pang Hindi Pagkakasundo (o mga paghiling ng remedyo).
Lugar ng Paghahain sa Mga Pinapayagang Aksyon sa Korte. Kung mag-o-opt out ka sa kasunduang makipag-arbitrasyon, kung ang iyong Hindi Pagkakasundo ay isang Ibinukod na Hindi Pagkakasundo, o kung matutukoy na hindi puwedeng ipatupad ang kasunduan sa arbitrasyon, sumasang-ayon kang mapailalim sa nalalapat na probisyon sa seksyong “Pagresolba ng Hindi Pagkakasundo” na nakasaad sa itaas.
Para ma-access ang aming Mga Tuntunin sa iba pang partikular na wika, palitan ang setting ng wika ng session mo sa WhatsApp. Kung hindi available ang aming Mga Tuntunin sa wikang pipiliin mo, magde-default kami sa English na bersyon.
Pakibasa ang mga sumusunod na dokumento, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng aming Mga Serbisyo:
Patakaran sa Privacy ng WhatsApp
Patakaran sa Intellectual Property ng WhatsApp
Mga Alituntunin ng WhatsApp Brand