
Mag-share ng mga litrato, video, voice note, at text sa mga gusto mong tao sa WhatsApp Status. I-personalize ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sticker, GIF, at marami pa. Hindi na makikita ang mga ito pagkalipas ng 24 na oras.
Sa mga sticker, avatar, GIF, at overlay text, isang pindot lang ang lahat ng creative option para i-express ang iyong sarili, maging creative, at ibahagi ang tunay na ikaw.
Panatilihing updated ang lahat ng mahal mo sa buhay at i-mention sila sa status mo kapag may gusto kang ipakita sa kanila. Pwede nila itong i-like at mag-reply rito para makapagsimula ng pag-uusap.
Nasa sa iyo kung ishe-share mo ang status mo. Kapag nag-post ka, ikaw ang magpapasya kung sino ang makakakita nito, kaya hindi mo kailangang mag-alala sa pagbahagi ng mga behind-the-scene mo.